Nag dinner by candle light sina Maia at Vince ng gabi ding iyon. Nais sulitin ni Vince ang mga araw kasama ang kasintahan.
"Baby this is too much." Sambit pa ni Maia kay Vince ng paglabas nila ng bakuran any nakaset up na ang table at mga pagkain with matching candle light.
Meron din bouquet of fresh flowers na binigay si Vince sa kasintahan.
"For you baby I will do anything to make you happy. I love you so much."
"I love you too baby." Naluluhang sagot naman ni Maia.
"Sana naman wala ng magiging problema before ang kasal natin." Sambit uli ni Maia.
"Oo nga baby. I hope wala na talaga kasi mababaliw na ako kapag mawala ka pa uli. I am doing anything para sa relasyon natin kaya sana wala ng maging problema."
"Basta ba wala kang gawin na masama, magiging ok ang lahat." Tugon uli ni Maia.
"Ako talaga ang makasalanan dito baby." Turo pa ni Vince sa sarili.
"Bakit sa tingin mo ako ba." Naiinis na sagot naman ni Maia.
"Ooppss baby. I was just kidding. I'm sorry."
Natarantang saad naman ni Vince at niyakap na si Maia.
"Ikaw kasi parang ako ang gagawa ng kasalanan. Grabe ka sa akin." Nakangusong saad ni Maia.
"Sorry na. Kain na tayo baby. Huwag ka na magalit." Saad pa ni Vince at hinalikan sa noo ang kasintahan.
Tumango naman si Maia at niyakap na si Vince.
Kumain na sila at pinagsandok na ni Vince ng pagkain si Maia.
Naging maganda ang gabi ng dalawa at magkayakap pa na natulog. Hindi naman nagtake advantage si Vince kay Maia dahil inaantay pa niyang maging handa ang dalaga sakaling may mangyari sa kanila. Kahit gustong-gusto na ni Vince na angkinin ang kasintahan hindi niya ginagawa kasi nirerespeto niya ito.
Maagang nagising si Maia para ipagluto ng almusal si Vince. Gusto niya ding bumawi sa mga nagawa sa kanya ng kasintahan.
Nagising si Vince na wala na si Maia sa kanyang tabi kaya naligo na muna siya at may meeting din siya ng araw na iyon. Malapit na ang bakasyon nilang dalawa ni Maia kaya nais niyang tapusin ang mga kailangan niyang gawin sa kompanya.
Nagbihis na din si Vince bago bumaba sa komedor para kumain ng almusal at nadatnan niya si Maia na naghahanda na ng mesa.
"Good morning baby." Bungad niya sa kasintahan at kinintalan ito ng masuyong halik sa labi.
"Good morning too my future hubby. Ang bango mo naman, samantalang ako amoy pawis na."
"Hindi ka naman amoy pawis baby. Ang bango mo nga." Sagot naman ni Vince at inamoy pa ang dalaga na umiwas naman sa kanya.
"Heh. Huwag ka ng makulit. Ang baho ko nga".
"Baby kahit naman hindi ka maligo mabango ka pa rin for me."
"Nambola ka pa baby." Sagot naman ni Maia at naghain na ng pagkain para kay Vince.
Maganang kumain si Vince ng almusal dahil na rin sa masarap na niluto ni Maia.
"Ang sarap lahat ng luto mo baby. Kapag ganito araw-araw baka lumubo na talaga ako nito." Sambit naman ni Vince habang hinihimas ang tiyan.
"Baby napakabolero mo na talaga."
"Hindi baby, I'm just telling the truth." Salamat for taking good care of me. Sambit pa ulit ni Vince.
"Of course baby kasi you also take good care of me. Mas maalaga ka nga sa akin eh and I'm so grateful about it. I love you".
"I love you too baby. I will go to work now. Hindi ka na muna sasama kasi after pa ng bakasyon natin ikaw magsisimula sa work. Kailangan mo muna ng pahinga para sa trabaho mo sa kompanya."
"Parang ngayon pa lang kinakabahan na ako sa sinasabi mo baby ah. Sasabak na ako sa trabaho. Well thank you for the having my rest first bago ako sumabak sa trabaho. I'm excited and a bit nervous at that same time". Sagot naman ni Maia sa nakangiting si Vince.
"Baby I am always here to guide you at work so you dont have to worry that much ok. So paano aalis na ako mahal Kong misis." Saad pa ni Vince at humalik na sa labi ni Maia.
"Nakakakilig naman pakinggan ang misis ko." Saad ni Maia na yumakap naman kay Vince at sinabayan na ito sa paglakad papuntang sasakyan nito.
"Soon baby. Magiging misis na kita kaya ngayon pa lang sinisimulan ko ng tawagin kang misis ko". Sagot naman ni Vince at humarap na kay Maia ng nasa tabi na nila ang sasakyan.
Sumakay na sa passenger seat si Vince at may driver naman siya papuntang trabaho.
"Bye baby. See you later. Just take a plenty of rest at papagurin kita sa bakasyon natin."
"Mukhang mas nakakakaba ang bakasyon natin kesa sa pagsisimula ko sa trabaho ah."
"Biro lang baby. I will just wait until you are ready. I love you."
"I love you too baby. Ingat ka."
Kumaway na si Maia sa kasintahan ng binuksan nito ang bintana ng paalis na ang sasakyan nito.
Pumasok na din sa loob ng bahay si Maia at sinimulan ng ayusin ang mga dadalhin nila sa kanilang bakasyon. Matagal din silang magbabakasyon kaya madami siyang inempake. Gusto niyang maging memorable ang bakasyon nila ni Vince. Sila lang dalawa ang magbabakasyon kaya gusto niyang maging masaya ang araw na gugulin nilang dalawa sa magandang lugar kung saan man sila pupunta. Wala pa siyang ideya kung saan sila pupunta kaya naeexcite na siyang pumunta doon.
Naisipan namang magbukas ng social media si Maia para makibalita na din sa mga kaibigan. Paminsan na lang kasi siya magcheck ng kanyang social media accounts.
Nag stalk na din siya sa account ng kasintahan at nagulat siyang silang dalawa ang profile picture na nilagay ni Vince. May caption pa iyon na my forever love na nagpa teary eyed sa dalaga. Nacheck din siya ng mga comment at halos magaganda ang mga iyon. Nagtaka lang siya sa isang nag comment na nagsabi na maghihiwalay din sila ni Vince. Tiningnan niya ang litrato ng babae na nagcomment at parang namumukhaan niya ito. Hindi lang niya maalala kung saan. Binalewala na lang niya ang comment at nag log out na din. Hindi niya balak patulan ang comment na yun at baka wala lang magawa ang babaeng iyon.