KABANATA 41

1041 Words
Dumating na ang araw ng alis ng magkasintahan para sa bakasyon nila kaya todo bilin si Vince sa mga kasambahay na ayusin ito. "Baby para namang hindi tayo babalik. Kung makapagbilin ka naman akala mo madadala nila ang bahay na to kung aalis sila." Nakangiting sambit ni Maia at humawak sa bewang ni Vince. "I was just being careful baby. Baka kasi manakawan o masilisihan sila kapag nalingat o anu pa man." "Masyado ka naman baby. Alam na nila manang ang gagawin". Saad ulit ni Maia. "Basta manang kayo na po ang bahala sa bahay. Kumain lang po ng mga nasa ref. Para naman po sa lahat yan. Ang mga halaman huwag ninyong pabayaan." Dugtong pa uli ni Vince. "Baby paulit-ulit ka naman. Alam na nila yan." Pagbabara ni Maia kay Vince at hinila na ito pagkatapos magpaalam sa mga kasambahay. Deretso na sila sa Airport at isang private plane ang sasakyan nila papunta sa isla kung saan sila magbabakasyon. Sa isang tagong isla sa Batanes ang punta nila kaya excited na si Maia sa bakasyon nila. Isang tourist attraction ang lugar na iyon at isang private villa ang na-ibook ni Vince. Maswerte lang sila at may available pang villa. Mayayaman lang ang nakakaafford sa resort na iyon at kailangan pang private airplane ang sasakyan makarating lang doon. May private airport din ang resort. "Are you excited baby". Tanong ni Vince kay Maia at pinagsalikop ang pala nilang dalawa. "Yes baby. I'm excited about this vacation." "Can't wait to have more time with you baby." Saad naman ni Vince sa kasintahan at kinintalan ito ng halik sa noo. Nawili si Maia tingnan ang island na makikita sa himpapawid ng malapit na sila sa isla kung saan sila magbabakasyon. "It's so nice baby. Ang sarap lang ng ganitong feeling. Yung kasama mo ang mahal mo habang nagbabakasyon kayo." "Ako naman baby excited na sa kasal natin. Syempre kapag kasal na tayo. Akin ka na talaga, doon pa lang sa salitang akin ka na masaya na ako. Hindi ko siguro alam ang gagawin ko kapag may mangyari at mawala ka sa akin. I've waited for our wedding to come kasi alam ko na hindi ka na mawawala sa akin kapag naging asawa na kita. Hindi ako papayag na mawala ka pa sa akin baby. Kaya sana magiging ok na ang lahat at wala ng mangyari para maging dahilan na iwanan mo ako. Hindi ko na makakayanan iyon. Kapag nagkaganun man, babaliktarin ko ang mundo mahanap lang kita." " Bakit baby may gagawin ka ba na maging dahilan para mawala ako sayo?" " Hindi naman sa ganun kaya lang hindi ko kasi hawak ang mga mangyayari sa hinaharap. Baka may manira sa atin at maging dahilan para iwanan mo ako." " +Huwag naman sana mangyari yun baby. Basta sa ngayon may tiwala na ako sayo. Andito tayo sa bakasyon para magkaroon na ng pagkakaunawaan sa mga nangyari sa nakaraan. Pag-uusapan natin doon ang mga bagay-bagay sa nakaraan." " Mukhang ako ata ang kakabahan sa mga kailangan mong malaman baby ah." " I just wanna have closure sa mga nangyari noon baby kaya maganda din at naisipan mo ang bakasyon nating ito." " Mabuti pa nga baby na pag-usapan natin iyon." " Baby sa resort na natin yun pag-usapan. Just let me enjoy the view first. Doon na ang interogasyon OK." " Yes boss. Doon na po. Kailangan ko na pala mag novena at baka sisintensyahan mo na ako doon." " Hindi naman kailangan ng ganyan pa baby kapag wala ka namang ginawang masama noon diba." " Wala naman talaga akong ginawa baby. Ang ginawa ko lang naman is ang mahalin ka ng lubusan. Kinakabahan lang ako kasi parang may malalaman ako kung bakit ka umalis noon at baka ako ang dahilan." " Huwag ka munang kabahan. Nasa himpapawid pa tayo baby. Easy ka lang. Kumalma ka." " Sige na nga baby. As long as I am holding your hand I know that I am at peace. I love you." " I love you too. Malapit na ba tayo baby?" " Yes baby. 30 minutes na lang. Madami din turista sa isla ngayon at buti na lang kakilala ko ang may-ari at na-ibook ako sa isang magandang villa. It was actually my first time on that island. Mas memorable pa at kasama ko ang mapapangasawa ko". Saad pa ni Vince at pinisil ang kamay ni Maia na hawak-hawak pa rin niya. "Mabuti naman baby. Ako masaya din at nakasama kita sa bakasyon na ito. I thought nung unang nalaman ko na ikaw pala ang kakausapin ko para maging ok na ang kompanya namin hindi tayo magkakasundo. Tingnan mo naman ngayon ikakasal na tayo." Sambit naman ni Maia at humilig sa balikat ni Vince. "Ako sinigurado ko talaga na magpapakasal ka sa akin kasi alam ko sa sarili ko na ikaw na ang babaeng nakatakda sa akin. Ikaw ang nakatadhana sa akin baby. Ikaw lang." "Baby naman Huwag mo naman ako paiyakin." Sambit naman ni Maia at pinahid na ang luhang tumulo sa mata niya dahil sa mga nabanggit ni Vince. "I'm just being truthful baby. I was so glad ng lumapit sa akin ang papa mo para tulungan kayo sa negosyo ninyo. Alam ko na mali ang paraan ko para mapalapit sayo pero I was so desperate to win you back. Hindi naman ako nabigo at ngayon kasama na kita at alam ko na forever na ito. Sana lang talaga wala ng hahadlang at baka mabaliw na ako." "Baby huwag ka naman mag-isip ng negative thoughts. Baka magdilang anghel ka at mangyari nga. Ikaw din mawawalan ka ng magandang mapapangasawa." "Naku baby. Hindi mangyayari yun. Itatali na kita sa katawan ko pagbalik natin galing sa bakasyon." "Baliw ka na baby. Hindi naman ako mawawala sayo eh. I am all yours already at malapit na kitang maging mister. We will build a family. Kahit ilang anak ang gusto mo kakayanin ko." Nakangiti namang sambit ni Maia. "Baby pwede na ba mag-advance sa resort." Pilyong tanong ni Vince sa kasintahan. "Pag-iisipan ko." Pagsasakay naman ni Maia. "Biro lang baby. Pero kung totohanin mo naman I am willing to give my body to you." "Sira ka talaga." Sagot naman ni Maia at tumawa na silang dalawa ni Vince.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD