KABANATA 53

1086 Words
"Palawan you are so beautiful." Sambit sa isip ni Vivian habang tinitingnan ang paligid. Napapapikit pa siya upang samyuin ang paligid. Habang nakapikit hindi napansin ni Vivian ang isang pigurang kanina pa siya pinagmamasdan. "Oy pare parang naengkanto ka diyan." Sambit ng kaibigan na tiningnan ang kanina pa tinitingnan ng lalaki. "I saw an angel pare. I think I'm in love." Sambit ni Drake. "Ikaw maiinlove? Akala ko ba puro lang pampalipas oras ang mga babae pare." Saad naman ni Chito na kaibigan niya. "I think it will change now pare. Look at that girl. Isn't it she's an angel fall from above to be with me?" Nakangiting sambit pa nito habang tinuturo si Vivian na umalis naman kaya naglakad na din si Drake para sundan iyon. "Hey pare, dahan-dahan lang at baka taken na yan. Magkakaroon ka pa ng kaaway." Pasigaw na saad ni Chito sa kaibigan na sinundan ang babaeng nakakuha ng atensyon nito. Nagbabakasyon din sila Drake dito pagkatapos niyang manalo sa isang motocross competition abroad. Iniiwasan niya din ang ex niyang gustong makipagbalikan sa kanya. Nagkaroon sila ng matinding pag-aaway ng babae dahil na rin sa nahuli niyang may kahalikan itong lalaki. Nagloloko na pala ito ng hindi niya nalalaman. Iniiwasan na niya ito at baka masaktan niya lang ang babae. Akala pa naman niya ito na ang babaeng ihaharap niya sa altar pero nagkamali pala siya. Binilisan pa niya ang paglakad para masundan ang babae pero hindi niya napansin na may makakasalubong siya kaya natumba ang babaeng nakasalubong niya. Mabuti na lang at naagapan niyang saluhin ito kaya hindi natuluyang natumba. "Sorry miss. I wasn't looking my way. May hinahabol kasi ako." Sambit niya sa babae na ngumiti lang kaya napansin niya ang kagandahan ng babae pero mas gusto niya ang babaeng hinahabol. "It's ok. Ako rin naman hindi ko napansin na mababangga kita. May binibili lang ang fiancé ko kaya inaantay ko siya." "Oh. I'm sorry again. By the way I'm Drake. Nagbabakasyon lang dito." "I'm Maia. Nagbabakasyon lang din bago ikasal. Andito na pala ang nobyo ko." Sambit niya na hindi pa nakikita ni Drake dahil nakatalikod ito. "Hi pare." Sambit ni Drake na napangiti ng mapagsino ang tinutukoy na mapapangasawa ni Maia. "Vince, I was surprised you are here. At mas nasorpresa ako na ikakasal ka na." Sambit ni Drake at niyakap ito. "Drake, why are you here? At bakit kausap mo ang girlfriend ko ha." Kunyaring nagagalit si Vince pero nakangiti naman. "Opps. Nabangga ko kasi siya because I'm following the girl I will marry soon." "Aba at ang babaero kong pinsan ay may hinahabol na. Akala ko pa naman ikaw ang hinahabol." "Pinsan mo siya?" Takang tanong ni Maia kay Vince. "Yes baby. Sa kasamaang palad pinsan ko siya. Yung mother niya is kapatid ni daddy, that makes him my first cousin. Busy lang to kasi kung saan napapadpad dahil sa motocross. Kaka champion lang nito sa recent na laban kaya ito na naman nagliliwaliw. Naghahanap ng babae." " Good boy na ako pinsan. Baka maniwala sayo si Maia na babaero ako. I admit dati pero now na nakita ko na ang babaeng nagpatibok ng puso ko magbabago na ako." Nakangiting sambit nito at kumindat pa kay Maia na nakita naman ni Vince. " Huwag mo ng tangkaing pakitaan ng killer smile ang mapapangasawa ko baka hindi mo masundan ang babaeng gusto mo." " Oops pinsan, alam mo namang hindi kita tataluhin. I know you are so in love with Maia. I am here to chase for my girl also. Siguro naman makikita ko pa siya later. So can we eat dinner later. To catch up for the lost time. Namimiss ko na mga kalokohan natin over the years." "Huy huwag mo ng parinig yan kay Maia at baka outside de kulambo ako mamaya. Loko-loko ka talaga." "Seriously pinsan, I'm happy that you find an angel. Ang swerte mo at pinatulan ka nito. Kung maaga aga lang ako baka ako mapapangasawa ni Maia. Mga katulad niya ang for keeps. Kaya kung ako sayo pasuutan mo ng helmet at baka magising sa katotohanan na hindi ka pala dapat pakasalan." Nakangiting sambit ni Drake na sinuntok naman ng mahina ni Vince. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan at baka maniwala si Maia. Patay na ako nito." "Joke lang yun Maia ha. I can see na ikaw lang ang babae ni Vince. As far as I know wala ng nalilink sa kanyang babae simula ng magka girlfriend siya ng seryoso. Ikaw yun tiyak." "Yes siya yun pinsan. At syempre siya na ang forever ko kaya hindi ko na siya pakakawalan." "That's good to here. Sana mahanap ko na din yung forever ko at sana dito na yun sa Palawan". "Baka dito na nga at sabi mo nga diba nakita mo na kanina. So maybe it's destiny na dito ka rin magbakasyon. Matagal ka ba dito. Kami isang buwan kami na magbabakasyon dito." "Maybe two weeks." Sagot naman ni Drake. So dapat makita ko na uli yung babae kanina. "I'm sorry Drake hindi mo tuloy nasundan kung sino man yun ang gusto mong sundan dahil nabangga kita." "No worries Maia. If it's meant for us to see each other again. Ang tadhana ang gagawa ng paraan para makita ko siya uli. Hoping hindi pa siya taken." Sagot naman ni Drake. "Mukhang tinamaan ka talaga insan ah." Sambit naman ni Vince na nakahawak na sa bewang ni Maia. "Yes insan. Parang tinamaan talaga ako ni kupido ng makita ko siya. I'm single right now so wala akong problema. May ex lang ako na habol ng habol sa akin kaya dapat na akong magkagf para wala na siyang rason para buntot pa ng buntot sa akin." "Are you with friends?" Tanong ni Vince dito na napansing mag-isa lang ito kanina. "Yes we are in groups. Nag island hoping lang ang iba. Binabawi ko kasi ang pagod ko sa last race ko kaya hindi na ako sumama. Good thing na din at nakita ko kayo. Mamaya dinner tayo kasama ang grupo ko." Paalam na nito sa magkasintahan at bumalik na sa kaibigan na iniwan kanina. "Ok pinsan tawagan mo lang ako." Sambit naman ni Vince at binigay ang numero niya at natitiyak niyang bago na naman ang telephone number ng pinsan. "Sure. Alam na alam mo talagang palagi akong nagpapalit ng numero ko ha." Pabirong saad ni Drake kay Vince. "Oo naman. Playboy ka kasi." "Hindi na ngayon. Nakita ko na ang forever ko." Sagot naman ni Drake at kumaway na sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD