Pagkadating sa villa dineretso na ni Vince ang kasintahan sa kwarto nila. Tinanggal na rin niya ang suot nitong sa paa at naghanap pamalit sa dress nito. Nang makahanap ng pamalit na damit, kumuha muna siya ng bimpo para basain at ipunas sa kasintahan.
Pinunasan muna niya ang mukha ng dalaga at pinalitan na din ng damit. Malaki ang respeto niya kay Maia kahit gusto na niyang halikan ang nakaawang labi nito.
"May utang ka sa akin baby." Bulong na lang niya sa dalaga bago ito kumutan at pumasok na rin siya sa banyo para maligo.
Pagkatapos maligo at makapagbihis ng pantulog tumabi na din si Vince sa kasintahan at niyakap ito.
Pagmulat ng mata ni Maia nakita niyang nasa kwarto na pala siya ng villa na tinutuluyan nilang dalawa ni Vince.
Masakit ang ulo niya dahil sa hangover. Nakita niyang pinalitan siya ng damit ni Vince at namula ang pisngi niya sa kaalamang binihisan siya ng nobyo. Dali-dali siyang pumasok ng banyo para maligo at ng makapag-almusal na din. Gutom na siya at gusto na rin niyang makita ang nobyo.
"Baby you are awake." Bungad ni Vince sa kanya pagkatapos hinalikan siya ng mabilis sa labi. Pinaghila din siya ng upuan nito.
"How's your sleep my baby?" Tanong uli ni Vince kay Maia.
"It's so good baby. Salamat sa pag-alaga sa akin. Kaya lang." Nauutal na sambit ni Maia kay Vince.
"Kaya lang ano?" Nakangiting tanong ulit ni Vince sa nobya.
"Ikaw nagbihis sa akin diba?" Kiming tanong ni Maia.
"Oo. Bakit? What's wrong with me undressing you baby? Besides akin naman na yan?" Pilyong tanong ni Vince at kumindat pa sa kasintahan na lalong kinapula ng mukha nito.
"Eh kasi nahihiya ako. Baka may ginawa pa ako kagabi." Nakayukong sagot pa ni Maia pero sinapo naman ni Vince ang mukha nito.
"No need to be shy baby. I was respectful last night kahit na gusto kong makaisa sayo. Mas gusto ko naman na gising ka para marinig ko ang ungol mo baby kesa tahimik ka lang." Pilyong sagot ni Vince.
"Baliw ka baby. Kain na nga tayo baka saan pa mapunta tong usapan na to."
"May utang ka baby ha." Saad pa ni Vince na kinakunot ng noo ni Maia.
"Anong utang naman niyan abir?" Nakabewang na tanong naman ni Maia.
"Hindi ako nakascore kagabi kaya mamaya ang bayad nun."
"Loko-loko. Kain na tayo baby. Gutom na talaga ako. Mamaya na ang paniningil na yan."
"Yes. Makakascore din mamaya."
Tinampal na lang ni Maia ang braso ni Vince habang sumubo na ng pagkain.
Masayang kwentuhan ang pumuno sa hapag habang kumakain ng almusal ang magkasintahan.
Samantala dumating na si Vivian sa Palawan. Pinasundo naman siya ni Natasha sa airport kaya hindi siya naligaw dahil na rin first time niya sa lugar. Nais man niyang enjoyin ang mga nakikita kaso hindi iyon ang pakay niya. Natatakot man sa mga balak ni Natasha na I pagawa sa kanya pero wala na siyang pagpipilian kundi gawin iyon.
"Mabuti naman at nandito ka na." Bungad sa kanya ni Natasha pagkababa pa lang niya ng sasakyan pinangsundo sa kanya.
"Bakit ba ora-orada mo akong pinapunta dito? Ano bang ipapagawa mo this time?
May bago ka na naman bang kinahuhumalingan?" Tanong niya kay Natasha na tinaasan naman siya ng kilay.
"Aba may ganyang tanong ka na agad. Relax lang. Pahinga ka muna madami pang oras para sabihin ko sayo ang binabalak ko. For the meantime magrelax ka na lang muna. Enjoy the view. Masyado ka namang atat. Baka kapag sinabi ko na agad ang binabalak ko bigla ka na namang umatras diyan. Hindi ka na pwede lng umatras at alam mo na mangyayari sa iyo at sa pamilya mo. Alam ko naman na hindi mo magugustuhan ang magagawa ko."
" Wala naman akong sinabi na hindi ko gagawin. Nagtataka lang ako bakit dito sa Palawan. Ang dami namang lugar. Bakit malayo pa talaga tayo pumunta." May pagtataka tanong ni Vivian kay Natasha.
"Huwag ka munang masyadong mausisa. Magpahinga ka muna. Alam kong napagod ka. Para naman akong walang puso kapag pinag trabaho na agad kita. You can still have fun while working for me so pahinga ka na muna. See you later para pag-usapan natin ang mga plano ko. I still have things to do." Paalam na ni Natasha kay Vivian kaya pumasok na lang ang dalaga sa kwarto na nakalaan para sa kanya.
Nagpahinga naman si Vivian pagkatapos nilang mag-usap ni Natasha. Wala pang klaro sa kanya kung ano ang ipapagawa ni Natasha sa kanya kaya nag-ayos na lang siya ng gamit. Pagbukas niya ng closet nagulat naman siya at may mga damit na doon na puro sexy. Napapailing na lang siya dahil alam niyang si Natasha ang may gawa nun. Napasubo na din talaga siya at wala na din naman siyang pagpipilian.
"Sana matapos na ang lahat ng kalokohan mo Natasha. Sana matauhan ka na hindi manira ng relasyon. May kutob siyang si Vince pa rin ang puntirya nito at talagang nahumaling ito sa lalaki."
Wala naman talagang tulak kabigin sa lalaking iyon pero sa nalaman niyang ikakasal na ito, naaawa siya sa kahihinatnan ng relasyon nito sa nobya sa maaaring gawin ni Natasha.
Pagkatapos mailigpit ni Vivian ang mga gamit, naisipan niyang maligo muna at para na rin makapaglibot sa lugar. Napansin niyang madaming turista na nagbabakasyon din sa lugar kaya gusto na muna niyang sulitin ang pamamasyal bago nila pag-usapan ang kung ano mang binabalak ni Natasha.
Wala mang balak sundin ni Vivian ang mga pinaplano ni Natasha pero wala na siyang pagpipilian.
Pagkatapos maligo pinili ni Vivian ang isang bulaklaking dress na maganda ang fit sa kanya. Napangiti siya sa repleksyon niya sa salamin. Nag lip tint lang siya at nagpulbo. Hindi siya mahilig magpaganda kasi may taglay na siyang karisma na napapalingon lahat ng makakasalubong niya. Morena ang kanyang kutis kaya madaming naiinggit sa kulay niya.
Paglabas ni Vivian sa silid ay deretso na siya sa tabing dagat para makalanghap ng sariwang hangin. Pinagmasdan niya ang paligid at natutuwa siya sa mga nakikita.