Malapit lang ang bar sa villa nila kaya mabilis din silang makarating doon.
Halos mabali ang leeg ng mga babae sa paglingon kay Vince na kinasimangot naman ni Maia. On the other hand parang gusto ng suntukin ni Vince ang pagtingin din ng mga lalaki kay Maia.
"Baby bakit naman hindi maipinta yang mukha mo." Sita ni Vince sa kasintahan.
"Eh kasi naman sarap sabunutan ang mga babaeng lumilingon sayo. May kadate na nga sila may gana pang tingnan ka." Naiinis na sagot naman nito.
"Baby naman, all my eyes are for you. Eh may mga lalaki nga din na halos hubaran ka makatitig. Sarap bigwasan."
"Ang cute ng baby ko." Sagot na lang ni Maia at niyakap na ang kamay sa bewang ng nobyo.
Naghanap sila ng magandang pwesto bago sila umorder ng inumin.
May live band na tumutugtog kaya nagustuhan ito ni Maia.
"Baby do you still need anything? What do you wanna eat?" Tanong ni Vince sa nobya ng naibigay na sa kanila ang inorder.
"I'm full baby. Ok na cocktail drinks sa akin. I am enjoying the music and of course I'm enjoying being with you."
"I love you." Sambit na lang ni Vince dahil nakakabakla man pero kinilig siya sa sinabi ng kasintahan. He was so inlove with Maia na gusto na niyang makasal sila ng kasintahan.
Naging masaya ang gabi nila Maia at Vince. May nakilala din silang mga turista doon na nagbabakasyon din.
Hindi alintana ng dalawa na may nagmamasid sa kanilang dalawa.
"Sige lang magsaya lang kayo pero pasasaan bat maghihiwalay din kayo." Sambit ni Natasha at uminom ng hawak na alak habang naiinis sa nakikitang kasweetan nila Maia at Vince.
Inaalam ni Natasha ang mga nangyayari sa magkasintahan dahil na rin sa gusto niyang maagaw si Vince kay Maia. Naobsessed na siya ng tuluyan sa lalaki ng makasama nila ito sa get together nilang magbabarkada. Hindi niya akalain na naging hot lalo si Vince. Alam naman niya ang karakas nito dati. Ang pagiging playboy nito na biglang nagbago ng makilala ang kasintahan at mapapangasawa ng si Maia. Pero hindi doon magtatapos ang pagkahibang niya kay Vince kasi gusto niyang mapasakanya ang lalaki.
It maybe weird pero bigla na lang ang pagkahumaling niya kay Vince. Out of nowhere bigla na lang siyang naging stalker nito. Maybe she was just challenged sa ugali na pinapakita ni Vince sa mga babae ng magkaroon nito ng kasintahan.
Tinawagan ni Natasha si Vivian para sumunod sa kanya sa resort para na rin maisagawa ang plano niyang pagsira ng relasyon ni Vince at Maia.
"Hello. Bakit ka napatawag." Paos na boses pang sagot ni Vivian sa kabilang linya.
"Kahit anong oras pwede kitang tawagan. Alam mo na ako ang gumawa ng solusyon sa problema mo kaya dapat wala kang reklamo kapag may ipapagawa ako sayo." Asik ni Natasha sa kabilang linya.
"I'm sorry. Ano bang ipapagawa mo." Sagot na lang ni Vivian para hindi na humaba ang panunumbat ni Natasha sa kanya.
"Come here in Palawan. May ipapagawa ako sayo. Bukas na bukas din pumunta ka dito. I will booked a flight for you. I'll just send the details later kapag na book ko na. So be ready. Huwag kang gagawa ng ikakasira ng plano ko at alam mo naman siguro ang kaya kung gawin."
"Yes. Aayusin ko din agad mga gamit ko." Sagot naman ni Vivian pero kinabukasan na niya gagawin kasi inaantok pa talaga siya. Hindi niya magawang kontrahin ang mga pinapagawa ni Natasha kasi malaki ang utang na loob niya sa babae. Ito ang tumulong sa kanya ng may nangyari sa pamilya. Wala na siyang magawa kundi maging sunud-sunuran sa babae.
"Good. Magkakasundo tayo diyan. As much as possible mga seksing damit ang dalhin mo. Pero alam ko naman na hindi ka nagsusuot nun kaya ako na bahala. Magdala ka na lang ng kaunting damit. Bibili na ako dito." Saad na lang ni Natasha na kinaikot ng mata ni Vivian.
Wala na talaga siyang kawala sa mga iuutos ng dalaga sa kanya. Hawak siya nito sa leeg.
"Ano ba talaga ang gagawin ko diyan." Takang tanong na lang ni Vivian kasi wala naman talagang sinabi pa si Natasha sa ipapagawa sa kanya sa Batanes.
"You will know when you get here. I'll just book a flight now and then I'll send the details in your email. See you tomorrow." Sambit na lang ni Natasha kay Vivian at binaba na nito ang telepono.
Sasagot pa sana si Vivian pero busy tone na ang narinig niya sa kabilang line. Napahilot na lang siya sa ulo dahil na rin sa pagmamaniobra ni Natasha sa buhay niya.
Kung mayaman lang sana siya at hindi na niya kinailangan ang tulong ni Natasha, hindi na sana siya nasa sitwasyong kailangan niyang sundin ang mga utos nito.
Nagset na lang ng alarm si Vivian bago natulog uli at talagang antok pa siya. Natatakot man sa kahihinatnan ng ipapagawa ni Natasha sa kanya sa Batanes pero nanalangin pa rin si Vivian na hindi siya pababayaan ng poong maykapal.
Samantala niyaya na ni Vince ang kasintahang si Maia na umuwi dahil na madami na itong nainom.
"Baby let's go now. It's so late na." Bulong ni Vince sa kasintahan.
Tiningnan naman ni Maia si Vince at tumango dito kasi gusto na din talaga niyang umuwi. Parang pipikit na ang mata niya sa antok at pagkalasing.
Nagpaalam na sila sa mga bagong kakilala at napagpasyahan na mag lunch kinabukasan sa resto ng hotel.
Kumaway na sila sa lahat at nilisan na ang bar.
"Did you enjoy baby?" bulong ni Vince sa kasintahan na halos pumikit na pero ang ganda pa rin sa paningin niya.
"Yes baby. I am always enjoying because I'm with you." Sagot nito at tumigil muna para yakapin si Vince.
"Baby I love you." Sambit pa nito at kusa pang humalik kay Vince.
Nakangiti namang sinagot din ni Vince ang halik ni Maia.
"Baby medyo pigilan mo muna ang paghalik-halik sa akin at baka hindi ako makapagpigil at dalhin kita sa langit kahit dito lang tayo."
"Baliw ka baby. Tara na buhatin mo na ako. Malapit naman na tayo sa villa. I can't hardly walk baby. I'm so drunk." Mahagilay ng sambit ni Maia at yumakap na sa leeg ni Vince bago pumikit.
Wala ng pagpipilian si Vince kundi buhatin ang nakatulog ng kasintahan papunta ng villa at malapit na rin naman. Kinintalan pa niya ito ng halik sa noo bago buhatin ng bridal position.