KABANATA 50

1050 Words
Parang slow mo ang dating ng paghubad ni Maia ng cover up dahil nakamasid si Vince sa kanya. Ang sexy ni Maia sa suot niyang two piece. Paranf gusto na niyang iuwi si Maia sa villa at huwag na itong palabasin ng kwarto. "Baby bakit ka nakamasid lang diyan. Kuhanan mo naman ako ng picture. Para ka namang naengkanto diyan eh." "Yes baby. Nakakaengkanto ang kaseksihan mo. Pasalamat na lang talaga ako at hindi tayo sa madaming tao maliligo kundi baka makakapatay ako ng mga titingin sayo." "Naku baby. Mas madami pang sexy sa akin doon. Para lang naman sayo itong katawan ko kaya wala kang dapat ipag-alala. Dito lang naman tayo maliligo eh. Wala namang tao dito." Paglalambing niya sa nobyo. "Oo naman baby tayo lang dapat ang maliligo dito at ako lang talaga dapat ang makakita ng katawan ba yan kasi akin lang yan." "Ay ang possessive naman ng soon to be husband ko." "Oo naman soon to be wife. Akin ka lang talaga." Sagot naman ni Vince at sinimulan ng kuhanan ng litrato ang kasintahan. Maraming pose naman ang ginawa ni Maia bago sila mag snorkeling ni Vince. Nagsawa sa pagtingin ng magagandang corals at makukulay na isda sina Vince at Maia bago nila naisapang lumipat sa isang isla. May naihandang sorpresa uli si Vince doon para sa kasintahan. Habang palapit sila sa kabilang isla, teary eyed na si Maia dahil may table for two na nakahanda malapit sa dalampasigan at may nag iintay na waiter na pagsisilbihan sila. May wine pa sa mesa at samut saring sea food ang nakahanda para sa kanila. May nagviviolin pa sa gilid na tinutugtog ay love songs na paborito ni Maia. "Baby this is too much." Sambit niya kay Vince at nilingon ito. "All the best for you my love." Sagot naman ni Vince at inalalayan na si Maia pababa ng bangka. "May I have this dance my baby." Sambit ni Vince at inilahad ang kamay kay Maia na agad naman nitong tinanggap. "With pleasure my baby. Thanks for this baby. Masyadong nakakaoverwhelm ang ginagawa mo. Sana wala ng katapusan ang kaligayahan nating ito." "Of course baby. We will be happy till the end. At sana lang mahalin mo ako kahit anong mangyari." "I will trust you baby. I will trust our love for each other." Sagot naman ni Maia at ninamanam na ang sandali habang sumasayaw sila sa love song na tinutugtog ng violinist. Kumain na din sila pagkatapos nilang sumayaw at may tumutugtog pa rin. "Cheers baby. For our long lasting love." "Cheers. For our lifetime together." Sagot naman ni Maia at pinagpingki na ang kanilang mga baso. Nabusog si Maia sa kinain nila kaya halos hindi na siya makagalaw. *Ang busog ko baby. Parang hindi na ako kakain ng dinner mamaya." "Baby need mo kumain mamaya kasi may gagawin tayo." Kumindat pa si Vince kay Maia. "Ikaw talaga baby. May nakakarinig sa mga sinasabi mo. Pinapaalam mo naman na patay na patay ka sa akin." Sagot naman ni Maia at pinandilatan si Vince. "Eh sa totoo naman baby eh. Hindi ka makakaligtas mamaya. I will make love you again and again." "Hindi kaya magsawa ka na niyan sa akin baby. Inaaraw araw mo na ako eh." "Baby I will not get tired of making love to you. I will never be tandaan mo yan." "Sana nga baby." Sambit naman ni Maia. "Baby just believe in me ok. Hindi kita pagsasawaan." Sagot ni Vince at lumapit sa kasintahan para siilin ito ng halik. Hindi naman umayaw sa halik ni Vince si Maia bagkus kinawit pa nito ang mga kamay sa leeg ng kasintahan. "I love you baby." Paanas na saad ni Vince kay Maia pagkatapos ng makapugtong hininga nilang halikan. "I love you too baby. Let's have a picture for this is a good memory baby." Nagpasuyo sila sa waiter na nandoon para may kuha din silang picture together. Iba't ibang pose din ang kinuha sa kanila. Nagpost naman si Vince sa social media nito na may caption "with my forever love" may kasama ding heart emoji. Ilang minuto lang at madami ng likes at comments sa soc med nito. "Baby let's go." Pag-aaya ni Vince sa kasintahan at bumalik na sila sa villa. Pagbalik nila sa villa, nagpahinga na muna silang dalawa at naligo na rin. Balak ni Vince na ayain magpunta sa bar ang kasintahan. Habang naliligo si Vince si Maia naman ay nag init ng tubig para makapag tea. Ang dami niyang kinain kaya feeling niya bloated na siya. Nagtimpla na siya ng tea para makainom muna bago maligo. "Baby it's your turn." Saad ni Vince sa kanya ng umiinom na siya ng tea. "I just finish my tea baby. Sobra akong nabusog sa kinain natin kaya feel ko ang bloated na ng tiyan ko." "Take your time baby. Aalis tayo after mo maligo. Let's unwind baby. Let's go to the bar." "Sure baby. Para matunawan naman tayo sa kinain din natin. Let's make this vacation a memorable one." Sambit pa ni Maia at humalik kay Vince bago pumasok sa banyo. Habang inaantay si Maia. Nagcheck naman ng mga emails si Vince at sinagot ang mga ito. Gusto niyang sulitin ang bakasyon nila ng mapapangasawa kaya ang pinsan na muna niya ang pinahawak ang kompanya. Mapagkakatiwalaan naman ito pati na rin ang kanyang secretary. Nagbihis ng simpleng summer dress na above the knee si Maia para presko sa pakiramdam. May slit ito sa gilid na nagpapakita ng magandang hubog ng kanyang legs. Naglagay din siya ng simpleng make up at lip tint. Nilugay na lang niya ang buhok niya since basa pa ito. Gusto niyang matuyo ang buhok niya in a natural way. Paglabas ng kwarto ni Maia nakita niyang nasa laptop ni Vince ang atensyon nito kaya lumapit siya dito para bigyan ito ng halik. "Uhmmm. That was good baby." "Tara na." Saad na lang ni Maia ng bitawan na din siya ni Vince. "Baby you look great. Parang ayaw ko na ata umalis baka may makakaaway ako doon." "Baby naman. I was just being extra beautiful for you." "I know baby. At akin ka lang din naman kaya wala na silang magagawa." "Tara na nga baby. Nagbobolahan na tayo dito eh." Sagot naman ni Maia at nagpatiuna ng lumabas villa kasunod ni Vince.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD