KABANATA 49

1010 Words
"Hi baby." Bungad ni Vince sa dalaga at inabot ang bouquet ng bulaklak dito. "Thank you baby. I love you." Sagot naman ni Maia dito at ito mismo ang humalik kay Vince. "Kaya pala wala ka may pabulaklak ka pala." Nakangiting sambit ni Maia habang inaamoy ang bulaklak na bigay ni Vince. "I just wanna surprise you my baby. Gusto ko syempre maging masaya ang bakasyon natin." "Let's have brunch baby. Late naman na masyado for breakfast so isabay na natin. We have Island hoping later kaya excited ako na ilibot ka sa isla. Meron pang mga isla dito na hindi pa fully developed so iyon ang nagiging main attraction din for an island hoping." Saad ni Vince at niyakap si Maia mula sa likod nito. "Nakakaexcite naman yan baby. Tara kain na tayo. Nagugutom na din ako dahil sa ang huling kain ko pa is dinner at syempre pinagod mo ako." "Baby hindi lang yun ang huling love making natin. Madami pang kasunod kaya make sure you are will prepared at dapat malakas ka din." Sambit pa ni Vince na kinapula ng mukha ni Maia. "Ang dami mong alam baby. Kain na nga tayo. I'm starving." Saad na ni Maia at hinila na si Vince pagkatapos na niya ilapag ang bulaklak na bigay nito. Masayang ang kwentuhan at asaran ng magkasintahan habang kumakain. Nagvolunteer na lang si Maia na maghugas ng pinagkainan nila since may mga kagamitan sa villa na pwede nilang gamitin. Naging convenient din sa kanila ang piniling lugar na pagbabakasyunan kasi sa kaibigan ito ni Vince at pinakiusapan ito ng binata sa mga activities nila pati na din sa gusto nitong gamit sa villa. "This is a great vacation baby. Salamat at ganitong set up ang pinili mo. We can cook here and stuff like that." Saad ni Maia at humilig da balikat ng nobyo habang nanonood ng movie. "Yeah baby. It was my choice na sa villa at resort talaga tayo para we can relax to a homey ambiance. Its like we are in our own home." "I love you baby. Thank you for all of this." "I love you too baby." Sagot naman ni Vince at naglulumikot na naman ang kamay. "Baby ang aga pa para sa pagiging maharot mo ha." Saway ni Maia sa kasintahan pero pinababayaan naman nitong maglakbay ang kamay sa parte ng kanyang katawan. "I can't get enough of you baby. You are so addictive. Basta baby ha walang iwanan. Akin ka lang baby. Hindi mo ako iiwan." Pagsusumamo ni Vince dito habang hawak ang dalawang pisngi ng kasintahan. "Baby wala naman mangyayari. Hindi naman kita iiwanan eh. Unless iwanan mo ako." Sagot naman ni Maia dito. "No way baby. I will not leave you. I will be with you always. I will let anyone ruin our relationship." Pangako ko yan baby. Sambit pa ni Vince. "Aasahan ko yan baby." Saad naman ni Maia at humilig sa balikat ni Vince. Nagkasya na lang silang dalawa na sweet sa isa't isa na magkatabi sa sofa habang may pinapanood na love story. Napagpasyahan nila Vince na maglakad-lakad na muna sa dalampasigan at magpapicture habang inaantay ang oras ng island hoping nila. May suot na two piece swim suit si Maia sa loob ng kanyang cover up. Isa iyong kulay itim na lalong nagpatingkad ng Aling kaputian niya at nagpalabas ng magandang kurba ng kanyang katawan. Hindi pa nakikita ni Vince ang suot niya kaya balak niyang sorpresahin ito paghubad niya kapag maliligo sila mamaya. "Baby kuhanan mo naman ako ng litrato dito." Paglalambing ni Maia kay Vince ng may nakita siyang magandang view. "Sure my baby." Pagsang-ayon naman ni Vince na gwapong gwapo sa suot na polo na nakabukas ang ilang butones na nagpapalabas ng magandang katawan nito. Naiinis si Maia sa mga nakakasalubong na mga babae dahil halos mabali na ang mga leeg nito sa kakalingon kay Vince. "Baby what's with the long face." Tanong ni Vince sa kanya. "Eh kasi kung makatingin ang mga nakakasalubong natin na babae akala mo mababali na mga leeg nila eh." Nakasimagot na sagot ni Maia sa kasintahan niya. "Baby hindi naman nila ako makukuha. Ikaw lang ang nagpapatibok nito." Sagot ni Vince na tinuro ang puso at niyakap ang kasintahan. Kinintalan din ni Vince ng masuyong ang halik ang mga labi ng kasintahan na hindi nito inaasahan. Hinampas naman ni Maia ng marahan ang dibdib ng kasintahan sa ginawa nitong paghalik sa kanya. "Baby naman we are in public." Pagsaway nito kay Vince. "It's my way of saying that you own me baby. Only you. I love you." "I love you too." Sagot naman ni Maia at yumakap na kay Vince. Madami namang naiinggit sa kasweetan nila ni Vince kaya taas noo ng naglakad si Maia habang papunta sila sa bangka na sasakyan nila para sa island hoping. Inaalalayan ni Vince ang kasintahan ng sumakay na sila sa bangkang de motor na sasakyan nila. Malaki ang sasakyan nila at nirentahan iyon ni Vince ng para lang sa kanilang dalawa. Habang naglalayag na sila para sa Island hoping nila, hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Maia. "Baby ang ganda talaga." Namamangha si Maia sa mga tanawin na nadadaanan nila. "Yes baby. Pero mas maganda ka." Sagot naman ni Vince. "Bolero ka talaga baby." "I'm not joking baby. You are the most beautiful person in and out that I've meet." Sagot ni Vince at pinagsalikop nito ang kamay nilang dalawa. Nagpasuyo naman si Vince sa kasama ng bangkero na kuhanan sila ng picture ni Maia. Iba't ibang pose ang ginawa nila ni Maia at lalong namangha ang kasintahan niya ng malapit na sila sa isla. Balak nilang mag snorkeling bago sila bumalik sa isla. Gusto ni Vince na masulit ang isang buwan na bakasyon nila. Bumaba na muna sila sa isla at nagkuhan ng picture ng isa't isa at nagpasuyo uli ng kuhanan sila na magkasama ni Maia. Nahihiya man pero nilakasan na ni Maia ang loob ng hubarin nito ang cover up para magpakuha ng picture kay Vince na naka two piece lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD