Pagdating sa ospital mabilis ang habang ni Maia papunta sa kwarto ng kanyang papa. Nasabi na ng kanyang mama ang kwarto nito kaya hindi na siya nagtanong sa reception.
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura bago pumasok sa loob ng kwarto.
"Anak dumating ka na pala. Salamat at umuwi ka." Bungad ng kanyang mama na agad naman niyang niyakap.
"Of course mama, kailangan tayo ni papa kaya dapat lang na umuwi ako." Sagot naman ng dalaga.
"Natutulog pa ang papa mo at kakatapos lang niyang uminom ng gamot. Sana nagpahinga ka na muna sa bahay bago ka pumunta dito anak. Alam Kong pagod ka."
"Ok lang ma. Gusto ko din kayong makita agad ni papa. I was so worried. Ano po ba talaga ang nangyari kay papa?"
"Anak antayin mo na lang pagising ng papa mo. Ayoko siyang pangunahan sa mga bagay na dapat eh siya ang magsabi sayo. Nagkaroon siya ng heart attack ng nasa opisina niya. May kinalaman sa negosyo natin kung bakit nagkaganyan ang papa mo. Hindi ko alam kung makakayanan pa niya kapag inatake siya uli at ayon sa doktor ay magiging malubha na ang lagay niya kapag inatake siya uli kaya ayaw ko sanang mangyari iyon. Ikaw lang ang inaasahan ko na makakatulong sa papa mo kaya kita sinabihan tungkol sa pagkaka-ospital niya." Mahabang paliwanag ng mama niya na nakapagpalungkot kay Maia.
"Ma kaya natin ito basta sama-sama nating solusyunan ang problema ng pamilya. Tutulungan ko kayo ni papa sa abot ng aking makakaya. Huwag po kayong mag-alala at gagawin ko po lahat ma."
"Salamat anak at napakabuti mo." Naluluhang saad ng ina ni Maia at niyakap siya nito.
"Ma masyado ka ng madrama." Nakangiting saad ni Maia sa ina.
"Kumain ka ba anak?"
"Hindi pa ma. Uuwi na muna siguro ako ma para makapagpahinga. Babalik na lang ako bukas para makausap si papa sa kung ano mang suliranin meron tayo. I just need to rest."
"Ok anak. Papasundo na lang kita kay Mang Hector."
"Sige ma. Salamat."
Mabilis namang nakapunta ng ospital ang kanilang driver kaya binabaybay na nila ang daan pauwi sa kanilang tahanan.
"Mang Hector maaari po ba tayong dumaan sa fast food chain. Namimiss ko lang pong kumain ng fries." Nakangiting saad nito sa kanilang driver.
"Sige iha. Namimiss mo din pala kumain ng ganoon. Dibah meron naman yun sa states?"
"Meron naman po pero hindi naman po ako ganun kadalas kumain ng ganun doon kaya nagcrave po ako ngayon." Sagot ni Maia dito.
"Ganun ba iha. Sige mag drive thru na lang tayo."
"Sige po. Maige nga pong drive thru na lang at sa bahay ko na kakainin o habang daan. Baka kayo po gusto ninyong kumain."
"Huwag na iha at ako'y hindi naman mahilig sa ganyan."
"Kayo po ang bahala." Sagot na lang ni Maia at natatakam ng makakain ng fries.
Pagkatapos umorder ay inaantay na lang nila na makuha iyon at deretso na sila sa bahay.
Naubos na ni Maia ang kinakain pagdating sa bahay kaya pumasok na din siya sa silid at nagpahinga.
"Tomorrow is another day." Saad na lang ni Maia sa sarili habang tinutuyo ang buhok pagkatapos nitong maligo.
Mas gusto niyang maligo bago matulog para masarap sa pakiramdam.
Tumawag na muna siya sa kanyang mama bago matulog at nabilin dito na pupunta na lang siya sa ospital para makita at makausap ang kanyang papa. Alam niyang may pinagdadaanan ang kanyang papa at gusto niyang makatulong dito.
Bago matulog ay nanood saglit ng balita si Maia at sakto namang nasa society segment na ang nasa screen. She was in awe ng makita kung sino ang nafeature doon. It was her ex-boyfriend Vince.
Ayon sa balita ang lalaki umano ang pinaka sought after bachelor sa bansa sa ngayon at bali-balitang nalilink sa isang international model. May ipinakitabg larawan ng dalawa na parehong matamis ang ngiti sa isa't isa. Pinabulaanan naman ni Vince ang balita at sinabing magkaibigan lang sila ng babae. Ayon pa lalaki ay may inaantay pa di-umanong babae ito na siyang gusto nitong makasama habang buhay.
"Friends lang talaga. Hmmmphh." Inis na saad ni Maia.
"Bakit kaya ako naiinis. Am I still into him?" Tanong niya sa sarili pero biglang bawi din niya dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman sa nakitang balita.
"Just compose yourself Maia ok. Hindi na si Vince ang dapat mong isipin kundi ang problemang kinakaharap mo ngayon.
Kailangan mong tulungan ang papa mo sa problema niya. Huwag muna pairalin ang puso. Pamilya muna huwag ang ex mong nanloko sayo." Paalala niya sa sarili.
" I have to be strong for I need to help my father. " Yun na lang ang naisip ni Maia at pinatay na ang TV para hindi na makita pa ang mukha ng ex niya na mukhang lalong gumwapo sa pagdaan ng panahon.
" Hmmm. Mukhang interesado ka pa din sa ex mo Maia." Saway nito sa sarili.
" Hindi, I am over him. I am over him. Yun ang isaksak mo sa utak mo Maia. Hindi siya dapat maglagi sa utak mo at baka masaktan ka na naman. Ilang balde na ba ng luha ang nasayang mo dahil sa lalaking yun." Paalala niya uli sa sarili at uminom na lang siya ng sleeping pills at baka hindi talaga siya makatulog sa kakaisip kay Vince.
"Sana nga hindi na magkrus ang landas namin ng lalaking yun at baka hindi niya masita ang sarili na huwag na itong pagtuunan ng pansin or worse bumalik ang pagmamahal niya dito."
Nawala nga ba ang pagmamahal niya sa lalaki o sadyang natabunan lang ng galit niya dahil sa nalaman noong mga panahong mahal pa niya ito.
Hindi na nga ba niya mahal si Vince o mahal pa niya. Naguguluhang tanong niya sa sarili bago tuluyang pumikit ang dalaga at nakatulog na ng tuluyan dahil na rin sa nainom na gamot.
Samantala.....
"Oh common pare sumama ka na sa amin sa bar. Maraming chiks doon." Pangungumbinsi ni Mason kay Vince na nakasalubong lang niya sa mall.
"Bro I need to go home. May importante pa akong meeting bukas. I need to be presentable at baka maturn off sa akin ang ka-meeting ko."
"Sino ba yan at mukhang excited kang makita."
"It's for you to find out bro." Sagot na lang ni Vince at kumaway na sa lalaki.
"Sige na nga basta next time Pare huwag mo na akong hindian."
"Sure, huwag lang ngayong gabi."
"Mag-ingat ka Pare."
"Ikaw ang mag-ingat at baka maubos lakas mo mamaya." Nakangiting saad na lang ni Vince at lumabas na ng mall para umuwi.
"Tommorow is the day that I will meet you babe.. I miss you so much." Nakangiting saad ng binata at pinasibad na ang mamahaling sports car.