Maagang nagising si Vince para pumasok sa kompanya ng pamilya nila na pinapapahalaan niya. Siya ang itinalagang CEO ng kompanya nila ng magretiro na ang papa niya. Matanda na ito at gusto na lang mag-enjoy sa pagliliwaliw sa ibang bansa kasama ang mama niya.
Sa kagustuhan niyang may patunayan sa papa niya ay ginawa naman niya ang lahat para lalong umunlad ang real estate property ng pamilya niya na siyang isa sa pinakasikat na real estate developer sa bansa. May isa na naman siyang malaking project na hahawakan kaya focus siya sa trabaho kamakailan. Wala na siyang oras muna sa mga babaeng umaaligid sa kanya. Hindi na siya halos lumalabas lately hanggat ongoing pa ang bidding sa naturang proyekto. He must say na pabor naman sa kanya na makuha iyon. He's working hard on it at kailangan sa kompanya nila iyon mapupunta. He has connections kaya alam niya na it's in the bag already. Ganun pa man hindi pa rin siya kampante at marami pa din kakompetensya.
Napangiti si Vince ng maalala na may meeting pala siya sa isang tao na naging parte ng buhay niya. Hindi na siya makapag-antay na makita ulit ito kahit nasaktan siya nito.
"This might hurt babe pero babagsak ka pa rin sa akin. You can't still resists my charm. I will prove that I am still worth it kahit sinaktan mo ako. Papatunayan ko na mas maige pa ako sa lalaking ipinagpalit mo sa akin."
Umalis na ang binata papuntang opisina para paghandaan ang paghaharap muli ng babaeng minahal. Hindi niya pa alam kung may nararamdaman pa ba siya sa babae o gusto niyang maghiganti sa pananakit nito sa kanya kaya naging mapaglaro na siya sa mga babae.
"This will be hard for you babe but you will still enjoy it." Paniniguro nito sa sarili bago pinaharurot ang sasakyan ng mag green light na ito.
"Pa magandang umaga." Bati ni Maia sa ama ng dumating siya sa ospital.
Ngayon ang araw na kakausapin niya ang ama sa kung anong problema ang kinaharap ng kompanya nila.
"Anak mabuti at nandito ka ng maaga. May meeting ka na pupuntahan regarding sa kompanya natin. Ikaw ang makakatulong para muli tayong makabangon." Walang paligoy-ligoy na sambit ng kanyang papa na siyang kinagulat din ni Maia.
"Pa may problema ang kompanya? Akala ko maganda ang kita natin. Hindi ninyo man lang sinabi agad sa akin habang nasa ibang bansa ako."
"Anak hindi ko gustong mawala ang focus mo sa pinili mong career sa ibang bansa.
Ayaw kong maging hadlang sa pag-unlad mo doon. Kinailangan ko lang ang tulong mo sa ngayon at sana huwag kang mag-atubiling tulungan ako."
"Pa kahit ano po gagawin ko. Ano po ba ang dapat kong gawin?"
"May kakausapin kang tao na makakatulong na makabalik sa negosyo natin sa tagumpay na dating tinatamasa nito. Ikaw ang gustong makaharap ng CEO ng kompanya at iyon ang napagkasunduan namin. Sana anak huwag mo akong bibiguin. Ito lang ang tanging hiling ko anak. "
" Huwag kang mag-alala pa. Gagawin ko po ang nais ninyo." Saad ni Maia sa ama nito at yumakap na dito.
" O siya anak mag-ayos ka na at mamayang after lunch ang meeting ninyo."
"Pa naman bakit agad-agad naman. Hindi ba pwedeng bukas. Hindi man lang ako nakapghanda. How can I impress that person kung ganito ang suot ko? "
Nakapantalon lang kasi siya at t-shirt. Kaya nahihiya siyang iyon ang magiging damit niya sa meeting.
"May oras ka pa naman anak. Pwede ka pang umuwi para magbihis."
"Oo nga anak. It's just nine o'clock. After lunch pa naman ang meeting mo."
"O siya hindi na ako mananalo sa inyo mama at papa. Uuwi na lang muna po ako para makapili ng maisusuot ko."
"Just be yourself anak. You are so pretty kaya alam ko na kaya mong harapin kahit sino. Mana ka ata sa akin. "
"Anong sayo Minda. Sa akin mana si Maia." Sabat naman ng papa nito na siyang kinataas ng kilay ng mama niya.
"Hindi na ako makikipagkompetensya at may sakit ka pa. Kapag gumaling ka na saka kita aawayin kaya pasalamat ka na
nasa ospital ka pa." Saad pa ng mama ni Maia habang nakakakunot pa ang noo.
"Nagalit ka naman agad sweetheart. Halika nga dito. Kulang ka lang sa lambing eh."
"Tumahimik ka na Arturo. Hindi ka nakakatuwa."
"Ay may lover's quarrel agad." Sita ni Maia sa magulang.
"Alis na ako ma pa. Baka malate pa ako mamaya."
"O siya anak. Mag-iingat ka. Ihahatid ka na lang mamaya sa kompanya kung saan kayo may meeting."
"Sige po. Bye ma, bye pa." Saad na lang ni Maia pagkatapos halikan ang mga ito.
Naligo uli si Maia pagdating sa bahay pagdating niya doon. Nagbabad na muna siya sa bath tub para marelax siya bago harapin kung sino man ang taong makakatulong sa kompanya nila. Sisiguraduhin niyang matutulungan sila ng taong yun.
Nag-apply lang ng light make-up si Maia para hindi naman sabihin na aatend na siya ng party. She should look simple pero mapapa second look din sa kanya ang mga makakasalubong. Nabiyayaan siya ng magandang mukha. Kahit hindi na siya maglipstick ay sadyang mapula na ang kanyang labi na may ika nga ng iba ay kissable. May mahaba siyang pilikmata. Makintab din ang kanyang mahabang buhok na nilugay na lang niya.
Balingkinitan ang kanyang katawan. May malulusog siyang dibdib at malaking balakang.
Pinili niyang suotin ang isang simpleng cocktail dress na black at may mahabang slit sa gilid na nagpalutang lalo sa magaganda niyang legs.
"Ang ganda naman ng alaga ko." Saad ni Aling Tere sa alaga na siyang kinatuwa naman ni Maia.
"Nay Tere bakit hindi kita nakita pagdating ko?" Nakangiting saad ni Maia sa yaya niya noong bata pa siya habang niyakap ito.
"Umalis ako kahapon anak kaya hindi mo ako nakita. Saan ba ang lakad mo at sobrang ganda mo ngayon?"
"May ka-meeting lang ako Nay. Wish me luck po para maging OK na ang lahat."
"Kaya mo yan anak. Ikaw pa eh ang galing mo. Magkwentuhan na lang uli tayo sa susunod kapag hindi ka na ganun ka-busy anak. Mag-iingat ka."
"Sige Nay. Aalis na po ako."
Niyakap na niya ang yaya bago umalis papunta sa kompanyang pagmamay-ari ng makakausap niya.