Dumeretso na sila Vince sa bahay ng mga magulang nito pagkagaling nila sa opisina.
"Baby are you tired for today?"
"Hindi naman baby. Enjoy kasama si Mitch kaya nalibang ako."
"Mabuti naman kung ganun. I was planning to have an out of town trip with you. Where do you wanna go?"
*Talaga? Gusto ko sana sa Palawan kaso ang layo naman."
" It's ok baby. Palawan na tayo pupunta. What my baby wants ibibigay ko."
" Wow. Ang swerte ko naman sa boyfriend ko." Nakangiting sagot ni Maia kay Vince at humilig sa balikat nito.
Hinalikan naman ni Vince ang moo ng kasintahan ng tumigil ang sasakyan sa may stop light.
" Mas maswerte ako kasi bumalik na ang one great love ko. I love you baby."
"I love you too". Sagot naman ni Maia at mabilis na hinalikan sa labi ang kasintahan ng biglang mag go signal na ang traffic light.
"Ang daya naman, smack lang. Babawi ako mamaya". Saad ni Vince at kumindat kay Maia na kinilig naman sa ginawa ng kasintahan.
Pagdating sa bahay nila Vince ay pinagbuksan nito ng pinto ng sasakyan si Maia.
"After you my queen." Sambit ni Vince at ginagap ang kamay ng dalaga pagbaba ng sasakyan.
"Baby hindi ako sanay sa mga paganyan mo. Nakakapanibago. Baka masanay ako, kapag nawala ka sa akin baka hindi ko kayanin."
"Ano namang pinagsasabi mo baby na mawawala ako. Para namang may gagawin akong masama at mawawala ka sa akin ah."
"Ito naman. It was just a fact baby. Baka kasi may malaman akong hindi mo pa sinasabi at maging dahilan para lumayo ako." Biglang sagot ni Maia na kinakunot ng noo ni Vince.
"Baby, I will not do things that will ruin us. Kasi kapag nangyari iyon baka ikabaliw ko. Masaya ako na bumalik ka sa akin kaya kapag nawala ka ulit hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. So please stop this non-sense ok. Tara na pasok na tayo baka kung saan pa mapunta itong pinag-uusapan natin". Saad naman ni Vince at hinila na ang kasintahan papasok ng bahay.
"I'm sorry baby." Sambit naman ni Maia at hinawakan sa bewang si Vince.
"It's ok baby. Huwag mo na lang sabihin na mawawala ka sa akin o ako sayo kasi hindi ko yun kaya. Mahal na mahal kita baby lagi mong tatandaan". Sagot naman ni Vince at iniyakap ang kamay sa bewang ng dalaga.
"I love you too baby."
Pagpasok nila sa bahay, sumalubong na ang magulang ni Vince at humalik na sila sa mga ito.
"Mabuti naman at hindi ninyo kami binigo mga anak. Tara na kayo at nakahanda na ang mesa." Yaya ni Kristina ang mama ni Vince.
"Sige mama" . Sang-ayon naman ni Vince at inakbayan na si Maia.
Masaganang hapunan ang pinagsaluhan nila Maia at Vince kasama ang magulang ng huli.
"Ang sarap ng mga pagkain tita. Busog na busog po ako." Sambit ni Maia na hinimas pa ang tiyan.
"Iha call me mama. Doon din naman ang punta nun."
"Nahihiya lang po ako ti, I mean mama." Namumula ang mukhang sambit ni Maia.
"Baby masanay ka na at malapit ka ng magiging misis ko". Turan naman ni Vince na lalong kinapula ng mukha ni Maia.
"You're cute when you blush baby. I love it."
"Iho tama na yang kasweetan mo. Nilalanggam na kayong dalawa."
"Sweet naman talaga ako mama. Alam mo yan."
"Oo na nga. Masaya ako na nagkabalikan kayo ni Maia. Kesa naman sa mga pinakilala mo dati na kung sino-sino lang."
"Ma naman huwag mo naman ipangalandakan ang pagiging mabait ko dati." Natatawang saad nito sa ina.
"Anong mabait, babaero kamo. Alam ko naman na naging babaero ka kasi iniwan ka ni Maia dahil na rin sa pinagagawa mo."
"Ma naman binuko mo na naman ako. Mamaya niyan hindi na ako makatabi sa higaan itong magiging misis ko. Kawawa naman ako, wala akong kayakap."
"Eh sa totoo naman. Pero Maia, Vince is a change man because of you. Dahil sayo naging masaya na siya. Masaya na siya na bumalik ka sa kanya. Halos hindi na yan makita dito ng iniwan mo siya. Laging nasa barkada, sa inuman at uuwi lang na lasing na."
"Ma stop it. Masyado ka ng madaldal." Pagpapatigil ni Vince sa pagiging madaldal ng kanyang mama.
Nakangiti namang tinitingnan ni Maia ang pag-aalaskahan ng mag-ina.
"Pero alam mo Maia, I thank you kasi naging makulay na uli ang buhay ng anak ko. He's been a mess nung wala ka. Kaya sana you will stay no matter what happen. Sana huwag mo siyang iiwan."
"Oo naman ma. I will stay hanggang mahal ako ni Vince. Hindi po ako aalis. Mahal ko po siya. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Natabunan lang ng galit kaya ako umalis."
*Ano ba ang nangyari iha at iniwan mo siya noon?" Pag-uusisa ni Kristina.
"Ma tama na muna yan. Hindi pa handa si Maia to share what really happen." Saad ni Vince na kinatuwa ni Maia.
"I'm sorry iha. Masyado akong mausisa. Baka hindi ka pa handang sagutin. I'm just a call away if you need someone to lean on."
"Thanks ma." Kiming sagot na lang ni Maia at pinagpatuloy na ang masaganang pagkain.
"Baby don't mind mama. Masyadong madaldal talaga yan. Hindi ko nga alam bakit natagalan yan ni papa." Pabirong sambit na lang ni Vince para maiba ang usapan. Nakikita niyang uneasy na si Maia.
"Anak kapag mahal mo ang isang tao, mahalin mo pati imperfections niya hindi lang ang magandang katangian". Sagot naman ni Amado ang papa ni Vince.
"Ayan babe ha. Alam mo na kung saan ko nakuha ang pagiging sweet ko". Sambit na lang ni Vince kay Maia.
"Ang sweet ninyo naman po tito. Tama po kayo. Ang swerte mo mama."
"Iha nakakatampo ka naman. Mama ang tawag mo sa asawa ko pero sa akin tito. Hindi ba pwedeng papa na din."
"Sige na nga po. Hindi lang po ako sanay papa." Sagot naman ni Maia ng nakangiti.
"Baby huwag mong suwayin ang mga sinabi ng magulang ko at makukulit ang mga yan." Nakangiting sambit ni Vince sa kasintahan.
"Masasanay din ako baby. Don't worry."
*That's great baby. Kain ka pa. Masarap ang dessert na si mama mismo gumawa."
"Oo nga iha. Magbalot na din kayo pag-uwi."
"Salamat ma. Masarap nga po itong cake na gawa ninyo."
Pagkatapos ng dinner, madami pa silang napagkwentuhan bago nagpaalam ang magkasintahan na umuwi na.