Nawili naman si Maia sa mga tinuro ni Mitch sa kanya kaya hindi na nila namalayan na pahapon na pala.
"Ma'am bibili ako ng merienda natin. Ano ang gusto mo?" Tanong ni Mitch sa kanya ng pinapasok niya ito sa opisina.
"Gusto ko sana na sumama bumili sayo para makapaglakad-lakad na din. Nangalay na ako". Sagot naman ni Maia dito.
"Are you sure ma'am? Baka hanapin ka ni Sir Vince."
"Malayo ba ang bilihan dito?" Tanong naman ni Maia sa dalaga.
"Hindi naman ma'am. Madami naman na mga resto at Cafe sa labas."
"Yun naman pala eh. Saglit lang naman tayo at babalik din agad. Hindi magagalit yun. Ako ang bahala."
"Sige ma'am. Basta asahan ko yan ha. Baka umusok galit ni sir eh."
"Ako ang magpapakalma." Sagot naman ni Maia kay Mitch kaya lumabas na sila ng opisina.
Naisipan ng dalawa na bumili na lang ng cake at frappe sa Starbucks.
"Sure ka ma'am yan lang ang kakainin mo?" Tanong ni Mitch kay Maia.
"Oo naman. Madami kasi akong nakain ng lunch kanina kaya hindi pa talaga ako gutom."
"Kung yan po ang gusto ninyo ma'am. Gusto ko po kasi burger at fries kaya sa fast food tayo dadaan after dito. Sa kabila lang din naman."
"Payat ka naman tingnan kaya ok lang na kumain ng madami."
"Nagsalita ang mataba. Ang sexy mo kaya ma'am. Naiinggit nga ako sa magandang kurba ng katawan ninyo. No wonder patay na patay sayo si Sir Vince."
"Luka-luka ka talaga. Tara na nga at mabili na ang burger at fries mo. Mukhang gutom ka na at kung ano-ano na ang binabanggit mo diyan". Sagot naman ni Maia na kinatawa ni Mitch.
Samantala umuusok na ang ilong sa galit ni Vince ng maabutang wala si Maia sa opisina niya. Wala din si Mitch na pwede niyang pagtanungan. And to make it worse, naiwan ng kasintahan ang cellphone nito.
"Saan na kaya ang babaeng iyon. Sinabihan ko na kanina na huwag umalis eh pero umalis pa rin talaga. Ano na naman maging rason nito."
Nasa ganong pag-iisip si Vince ng bumungad sa pintuan ang kasintahan. Nagpapacute ito pero hindi nabawasan ang pagkainis niya.
" Baby saan ka galing. Diba sabi ko sayo na huwag kang aalis?" Naiinis na saad nito sa dalaga.
*Baby I was just out to buy merienda. Hindi ko naman akalain na babalik ka kaagad. Ang init naman ng ulo ng baby ko. Halika nga dito." Sagot ng dalaga at ito na mismo ang lumapit kay Vince pagkatapos ilapag ang pinamili.
"Baby don't get mad. Nangalay din naman ako sa mga ginawa ko kaya naglakad-lakad ako para marelax ang muscles ko. Huwag ka ng mainis. Sige ka, sa sofa ka mamaya matutulog." Saad ni Maia dito na nagpalambot naman ng puso ni Vince.
"Hindi pwede yun baby. I wanna hug you to sleep. Sige ok na tayo." Sagot naman ni Vince at hinalikan ang dalaga.
*Gusto mo ba baby?" Tanong ni Maia dito at inalok ang pagkaing binili.
"Bakit ganyan lang binili mo?"
"Busog pa kasi ako. May dinner pa naman mamaya. Baka maging balyena na ako kapag kain ako ng kain. Maghanap ka pa ng sexy kapag nangyari yun."
"Hindi mangyayari yun baby. Nakatadhana ka na sa akin. Akin ka lang."
"Possesive naman masyado." Nakataas ang kilay na saad ni Maia pero kinilig naman siya sa sinabi ni Vince.
"Oo naman. Nasa akin ka na kaya dapat hindi na kita pakawalan. Ayaw ko na mangyari ulit ang nangyari dati na iniwan mo ako without even saying what I've done wrong."
Hindi na lang kumibo si Maia. Hindi pa siya handang kausapin ang kasintahan sa nangyari noon. Ayaw na muna niyang balikan ang masakit na nakaraan nila. Its just part of the bad memories they had. Hindi pa siya handang ungkatin sa binata ang mga nangyari kung bakit siya lumayo.
"Baby tumahimik ka na. Is there something wrong. May masakit ba sayo? Dadalhin na kita sa ospital."
"Huwag kang oa. Ok lang ako. May naalala lang ako. Kumain ka na ba?" Tanong na lang niya kay Vince para maiba ang usapan nila.
"Yes. May food sa meeting kanina. Iba namang pagkain kasi ang gusto kong kainin matagal na pero I will be waiting hanggang pwede na." Kumindat pa siya sa dalaga.
"Naku ano na naman yang naiisip mo Vince. Tantanan mo ako. Hindi ka talaga makakatabi sa pagtulog mamaya sa akin. Ang landi mo."
*Baby naman I was just kidding." Sagot naman agad ni Vince at niyakap ng mahigpit si Maia.
"I want to be this near to you every single day baby. I love you so much." Saad ni Vince na lalong nagpakilig sa dalaga kaya yumakap na din siya sa kasintahan.
"Ehem tama na yang PDA na yan. Saad naman ng isang boses na nagpalingon sa magkasintahan."
Nakangiti namang sinalubong ni Vince ang mga magulang.
"What brought you here mama papa?" Tanong ni Vince sa magulang at niyakap ang mga ito.
"We were around the vicinity at naisipan naming bisitahin ang anak namin na nakalimutan na atang may mga magulang pa siya." Paglalambing ni Kristina Dela Fuente ang mama ni Vince.
"Mama I was just busy at alam mo naman na kasama ko si Maia sa bahay."
"I know son. Naglalambing lang ang mama mo." Sagot naman ni Kristina.
"Can we invite you two for dinner Iho. Sa bahay, we miss the bonding already. Sana pagbigyan ninyo naman kami ng mama mo." Sambit naman ni Amado ang papa ni Vince.
"Sure papa. Sa bahay na po kami dederetso mamaya."
"Mabuti naman kung ganun. So paano mauuna na kami mga anak. Napagod ako sa lakad namin ni Kristina. Iba na talaga ang tumatanda. Kaya sana bilisan na ninyo ng makita na namin ang apo namin. Ang bagal mo ata anak. Magkasama na kayo ni Maia kaya make it double time." Nakangiting sambit nito kay Vince na kinapula naman ng mukha ni Maia.
*Papa you're making my fiancee blush. Tigilan mo na muna kami. Kaya nauudlot eh." Pagsasakay naman ni Vince sa magulang.
"Basta anak pagbutihan mo at ng makita ko pa mga apo ko sayo."
"Sure papa. Mamayang gabi sisimulan ko na." Sagot naman ni Vince ng ihatid nito ang magulang sa pinto.
"Makakaasa kami diyan. Don't forget the dinner mamaya. Aasahan namin kayo." Paalala naman ng mama niya.
"Ingat po kayo ma pa." Sagot na lang ni Vince bago isara ang pinto.
"Ikaw talaga. Puro ka kalokohan. Gusto mo na agad mag-anak ha."
"Oo naman baby basta ba ikaw ang nanay eh". Sagot naman ni Vince at hinalikan ng mabilis ang kasintahan.