KABANATA 30

1062 Words
Nakapananghalian na din sina Vince at Maia at naghahanda na sila papuntang trabaho. May meeting din si Vince sa board of directors ng kompanya. "Baby is it ok If I will leave you in the office mamaya kapag may meeting ako?" Tanong ni Vince sa fiancee niya. "Oo naman. Para naman akong bata Kong ituring mo. I can handle it baby. Don't worry." "Ok. Baka kasi mabore ka kapag sa office ka lang." "Hindi naman. I will make myself busy while waiting for you. Bigyan mo ako ng mga gagawin para hindi ako mainip." "Sige. Patuturuan na kita sa secretary ko ng mga gagawin pero you will not be my assistant. Para lang naman today ang gagawin mo. I will be appointing you as VP for operations kaya iba talaga ang responsibility mo baby." "Hindi kaya masyadong mataas na posisyon na yan? I might fail you." "May magtuturo naman sayo ng mga gawain so alam ko na you will be better on that position. May tiwala din ako sayo baby kaya alam ko na kaya mo gawin yun." "Salamat sa tiwala baby." "You are always welcome." Sagot naman ni Vince at kinindatan pa ang dalaga. Pagdating sa building ng kompanya ni Vince, magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng building. Binati naman sila ng receptionist. "Good morning sir ma'am." Saad nito ng nakangiti. "Good morning". Sagot naman ni Vince. Ngiti naman ang sinukli ni Maia. Sumakay sila sa private elevator na ang binata lang ang makakasakay. "May sarili ka talagang elevator?" Tanong ni Maia kay Vince. "Oo baby. Mas convenient kasi ako sa ganito pero kung hindi mo gusto we can use the elevator that my employees are using." "Huwag na. Alam ko naman na you need privacy kaya may ganito sa building mo." "Yeah. Pero kung naiilang ka I can adjust". Sambit naman ni Vince. "This is ok baby. Mas maganda ganito. Pero baka naman may iba ka ng sinakay dito." "Are you jealous my baby?" "Hindi ah". Saad ni Maia pero may kaunting kirot na naramdaman if ever meron na ngang naisakay si Vince sa elevator na yun.. "Wala baby. Ikaw pa lang. Promise ko yan". Sagot nito at hinalikan na ang dalaga na nakaismid naman. "Baby naman eh. Stop pouting baka hindi ako makapagpigil." "Makapagpigil na ano ha?" Naiinis na saad naman ni Maia. "Na halikan ka ng paulit-ulit baby." Sagot naman ni Vince at niyakap na si Maia mula sa likod. "Heh. Tumigil ka Vince". Sagot naman ni Maia ng bumukas na ang elevator hudyat na nasa opisina na sila ng kasintahan. "Baby you are so gorgeous not to be notice kaya gusto kitang halikan palagi." Bulong ni Vince sa punong tenga ni Maia na nakapagdulot ng kakaibang sensasyon sa dalaga. "Andito na tayo kaya mamaya na ang paglandi mo baby." "So mamaya pwede na tayo maglandian." Panghaharot nito sa dalaga. "Ewan ko sayo". Sagot naman ni Maia. "Hi sir. Good morning po." Anang isang tinig na nagpalingon naman kay Maia para alamin sino ang bumati kay Vince. "Oh Mitch. Good morning. This is my fiancee Maia. I want you to teach him today. Yung mga usual lang na ginagawa mo. I have a meeting in a while kaya maiiwan ko siya sa opisina ko. Doon siya magtatrabaho." Sambit naman ni Vince sa secretary niya. "Ok sir. Ako na pong bahala kay Ma'am Maia." "Mabuti naman kung ganun. Pasok muna kami ng opisina. Tatawagin na lang kita mamaya. Ayaw ko muna ng istorbo. May pag-uusapan lang kami ng magiging asawa ko." "Sige sir." Sagot naman ni Mitch. Pagpasok sa opisina ni Vince bigla na lang nito sinakop ang labi ni Maia. Sa gulat ng dalaga ay hindi nito napaawang ang labi nito na naging dahilan na lalong papalimin ang paghalik sa kanya ni Vince. Kapwa habol nila ang mga hininga pagkatapos ng marubdob na halikan. "That was so sweet baby. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na halikan ka. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko to taste that sweet lips of yours." "Ang maniac mo talaga". Saad naman ni Maia na namumula ang pisngi. "You're blushing baby. I love it". Sagot naman ni Vince at hinalikan ang noo ni Maia. Pinaupo niya ito sa couch at tinabihan ito pagkatapos. "What do you want to drink?" "Hindi pa naman ako uhaw. Mamaya na lang. Baka magsisimula na ang meeting mo?" Tanong ni Maia kay Vince na nagsisimula ng lumapit sa kanya. Hinahalikan ni Vince ang leeg ng dalaga ng tumunog ang telepono niya. "Sorry for disturbing you sir pero magsisimula na po ang meeting." Bungad ni Mitch ng sagutin ni Vince ang telepono. "Istorbo talaga." Naiinis naman na sagot ni Vince. "Baby I have to attend the meeting. Iiwanan na lang kita dito. Si Mitch na ang bahala sayo. If you're hungry, si Mitch na lang utusan mo na bumili. May card ako sa kanya na ginagamit niya if may inuutos ako. Just wait for me here. Don't go anywhere baby." " Oo na. Masyado namang strikto." Bulong na sambit ni Maia pero narinig pa din ni Vince. " I was just being protective baby. I love you." Saad naman ni Vince at hinalikan ng mabilisan sa labi ang dalaga. Sumama naman sa labas si Maia para ihatid ng tanaw ang kasintahan. " Ma'am ano po ang gusto ninyong unahin? Ang pag encode o filing po?" "Kahit ano basta may pagkakaabalahan ako Mitch. Salamat sa pag-assists sa akin." "Walang anuman ma'am. Natutuwa nga ako at ikaw ang pakakasalan ni sir. Hindi yung mga babaeng halos maghubad na sa harapan niya." Dere-deretsong sambit ni Mitch na bigla naman tinakpan ang bibig ng matantong madaldal na siya masyado. "Ano ba naman to. Ang daldal ko na ata. Sorry ma'am. Hindi ko naman intensyon na magsalita. Naiinis lang talaga ako sa mga bumisita dito kay Sir Vince dati. Garapalan ng inaakit si sir. Pero in fairness naman kay sir, hindi niya pinapatulan. Sabi niya kasi sa akin if I remember it right isa lang ang nagmamay-ari ng puso niya. Ang babae daw na iyon ay kasintahan niya noong college siya. Matanong ko ma'am kelan mo naging kasintahan si Sir Vince?" " Noong college kami". Sagot naman ni Maia. "Sakto ma'am. Ikaw ang tinutukoy ni sir. Naniniwala talaga ako sa forever. Sana mahanap ko na din forever ko." "Lukaret ka talaga." Saad naman ni Maia na kinilig sa sinabi ni Mitch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD