KABANATA 29

1050 Words
Naging masaya ang unang gabi ni Maia sa bahay ni Vince. Naiilang pa siyang katabi ang binata pero hindi naman nito pinaramdam sa kanya na dapat siyang matakot na katabi ito. Ginalang siya ng kasintahan. Nagising si Maia na may ngiti sa labi. Tulog na tulog pa si Vince kaya nauna na siyang bumaba sa kusina para tumulong sa paghanda ng kanilang agahan. "Manang Ising magandang umaga po." Bati niya sa kasambahay na busy sa pagluto ng agahan. "Ang aga mo naman atang nagising ma'am. Magandang umaga din sayo. Maganda ka pa sa umaga." "Palabiro pala kayo manang." Saad naman ni Maia dito. "Aba'y hindi ako nagbibiro ma'am. Pagkaganda po ninyong babae kaya hindi ako nagtataka kung bakit naging kasintahan mo ang amo ko. Bagay na bagay talaga kayo." "Sino ang bagay kay Sir Vince lola?" Tanong naman ng babaeng kakarating lang. "O ikaw na pala yan Criselda. Si Ma'am Maia ang tinutukoy ko. Ang mapapangasawa ni Sir Vince." Tukoy ni Aling Isang kay Maia sa apo at itunuro ito sa apo. "Siya pala ang napupusuan ng amo natin. Maganda naman." Sambit nito at itinaas ang kilay na pinasadahan ang dalaga. Naiinis man si Maia sa inasal ni Criselda binalewala na lang niya ito. Umalis naman kasi agad ang babae at iniwan silang dalawa ni Aling Isang sa kusina. "Pagpasensyahan mo na Maia ang apo ko. Ganun talaga yun. Naging close kasi sila ni Vince kaya nagulat lang na ikakasal na pala ito." "Huwag po kayong mag-alala wala naman po iyon sa akin. Naiintindihan ko naman po." Sagot na lang ni Maia kahit nawewerduhan siya sa kinikilos ni Criselda. Pagkagising ni Vince kinapa niya ang katabi pero unan na lang ang nahawakan niya kaya napabangon na lang agad siya. "Baby asan ka na?" Tawag ni Vince ng bumaba siya sa sala. "I'm here baby. I didn't want to wake you up kasi ang sarap ng tulog mo. Bumaba na ako dito para makatulong sa pagluto ng agahan natin." "Ang sweet naman ng mapapangasawa ko talaga. Kaya mahal na mahal kita eh." Saad ni Vince dito at humalik sa kasintahan. "I love you too baby. Malapit ng maluto ang pagkain natin. Maliligo na muna ako. Pupunta na tayo sa work today right?" "Yes baby pero pwede naman mamaya na. I wanna enjoy being with you today. Kaya after lunch na tayo pumunta ng opisina. Mamayang hapon pa ang meeting ko." "Ok baby. I will just take a bath first." Paalam niya muna sa kasintahan at umakyat ng kwarto. "Take your time baby." Sagot naman ng binata at pumunta na muna ng sala para manood ng TV. Nakita ni Criselda na mag-isa na lang sa sala si Vince kaya nilapitan niya ito. "Ang daya mo naman ikakasal ka na pala wala man lang akong kaalam-alam." "Uy Cris. Diyan ka pala. Ayaw ko na kasing patagalin pa ang pagiging mag-asawa namin ni Maia kaya ngayon niyo lang din nalaman. I was madly in love with her. Just be happy for me." "Happy naman ako sa inyo. Pero..." "Pero ano?" Tanong ni Vince dito na nakataas ang kilay. "Pero ano ang pinakita mo dati Vince? Wala lang ba sayo ang mga masasayang sandali natin?" "Natin? Wala naman tayo Cris. It was just friendship. Kung nahulog ka man sa akin noon, please huwag mo ng ituloy ngayon. I am so happy and contented with Maia. Ayaw ko na mag-away kami dahil sa mga nakaraan na dapat ko ng kalimutan. Wala naman akong ipinangako sayo noon. We just enjoy each others company. I was vulnerable that time kaya siguro akala mo I am into you. Pero ang totoo nun mahal na mahal ko si Maia. Siya lang ang laman nito. Sana matanggap mo na kaibigan lang ang kaya kong ibigay. " " Bakit ganun ka Vince. Hindi mo man lang isinaalang-alang ang damdamin ko." "Hindi ko alam na may gusto ka sa akin at una sa lahat wala naman akong ipinangako sa iyo na kung ano pa man. Sorry kung sa tingin mo na hindi ko binigyang halaga kung ano man ang damdamin mo para sa akin. Mahal ko si Maia at siya lang hanggang sa huli ang mamahalin ko. Sana hanggat maaari iwasan mong mabanggit na may gusto ka sa akin. Ayaw ko na mag-away kaming dalawa." Hindi na kumibo si Criselda at umalis na itong umiiyak. Nasalubong naman ni Maia si Criselda na umiiyak kaya tatanungin niya sana ito pero umirap naman ang dalaga sa kanya. Hindi na lang niya pinansin at baka wala sa mood ang dalaga. "Baby anong nangyari sa apo ni Aling Isang. May problema ata".Takang tanong ni Maia kay Vince. "Huwag mo ng pansinin yun baby. Ang mabuti pa kumain na tayo. Gutom na ako." Saad na lang ni Vince sa kasintahan at hinila na ito sa komedor. "Sige baby. Gusto ko na ding kumain at nagugutom na din ako. Tara na." Nakahain na ang mesa pagpunta nila Maia at Vince sa hapag kainan. "Kayo po Aling Isang, kain na po tayo. Saluhan ninyo na lang po kami." Yaya ni Maia sa matanda. "Hindi na iha. Sa kusina na lang kami kakain. Magpakabusog kayo." "Salamat po." Sagot naman ni Maia dito. "Baby mukhang may problema talaga yung apo ni Aling Isang. Hindi ko din feel ang awra ng babaeng iyon." "Huwag mo na lang pansinin baby. Baka maging bad mood ka lang at ako naman ang pagbalingan mo. Nananahimik pa naman ako dito." "Oo na baby. Hindi ko lang talaga lubos maisip kung bakit naging apo ni Aling Isang yun eh ang bait naman ng matanda." "Kumain na lang tayo baby. Huwag mo na lang ding pakinggan kung ano man ang sabihin ni Criselda. May pinagdadaanan lang yun." "Ok baby. Nawewerduhan lang kasi ako sa mga sulyap niya sa akin." "Baka naman may gusto siya sayo baby." Pagbibiro ba lang ni Vince kay Maia. "Baliw ka talaga baby." Nakangiting saad na lang ni Maia at nilalantakan na ang mga nakahain. "Oo baby. Baliw na ako. Baliw na baliw sayo." Kindat pa ni Vince na dahilan para hampasin ito ni dami. "Ang dami mo talagang alam. Kain ka na nga baby. Gutom lang yan." "Baby naman, maniwala ka naman sa akin." "Oo na. Matigil ka lang". Saad na lang ni Maia at sinubuan na si Vince na kinain naman nito agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD