KABANATA 28

1065 Words
Pagdating nila sa bahay ni Vince namangha si Maia sa laki nito. "Baby ito talaga ang bahay?" Manghang tanong ni Maia. "Oo baby. Ito na ang bahay natin. You like it." "I love it baby." Sagot naman ni Maia na niyakap pa si Vince. "Baby ang bahay lang ba ang mahal mo o ang may-ari?" "Baliw ka talaga. Syempre both pero mas mahal ko ang may-ari". Sagot naman ni Maia na matamang nakatingin kay Vince na nangingislap ang mata sa tuwa. "I was very happy to hear that baby." Sagot nito sa kasintahan at hinalikan ng marubdob si Maia. "Baby mamaya na yan. I wanna see what's inside. Show me baby please." Pakiusap nito sa binata. "Ok. Gusto ko pa sanang halikan ka ng matagal pero i know I have so many time in the world to be with you baby. Come I'll show you around." Pinakita ni Vince ang kabuuan ng bahay niya kay Maia at sobrang namangha ang dalaga sa pagkagawa niyon. May infinity pool din ang bahay na lalong nakadagdag ng atraksyon dito. May swing din na sinakyan agad ni Maia. "Do you like it baby?" "I don't like it baby. I so love it. Thank you at pinatira mo ako dito." "Anong pinatira kita dito. This will be your house too baby. This is where we will build our family." Saad ni Vince na sumampa na din ng swing at niyakap si Maia. Naluluha naman si Maia na yumakap kay Vince. "Why baby bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali?" "Wala naman baby. I was just happy. Sobrang saya ko." "Me too baby. Pasok na tayo. I want to show you our bed." Saad naman nito sa kasintahan at kumindat pa. "Loko-loko ka talaga." "Ayaw mo ata ako makasama eh. Mukhang napipilitan ka lang talaga na dito tumira." "Tigilan mo nga yang pagdadrama mo. Hindi sayo bagay baby. Para kang ewan. Maliligo muna ako." "Sige mauna ka na. Check ko lang kung may food pa for dinner. Nagsabi naman ako sa kasambahay natin na dito na tayo matutulog." "I'm still full baby. Gutom ka pa ba?" "Hindi naman. Baka kasi gutom ka pa." "Ok na ako. I just want tea baby." "Ako na gagawa ng tea mo. Pagkatapos mo maligo ready na ang tea mo at ready na din ako." "Baliw ka talaga. Diyan ka na nga." Saad na lang ni Maia at hinalikan naman siya sa noo ni Vince bago siya pumasok sa loob ng banyo. "Ang sweet naman ng lalaking yun. I hope you are not doing this because of revenge because I'm falling so deeply to you baby. Sana nga totoo ito lahat." Saad sa isip ni Maia bago buksan ang shower para maligo. Habang naliligo si Maia naghanda na si Vince ng tea para sa dalaga. Nag-init na muna siya ng tubig para sa tea. "Mukhang ang saya mo senyorito ah." Puna ni Aling Isang ng madatnan niya ang amo sa kusina. "Ah manang. Oo naman po. Kasama ko na po ang mapapangasawa ko dito sa bahay. Ipapakilala ko po kayo sa kanya mamaya. Naliligo lang po. Nagrequest lang ng tea kaya nagtimpla na po ako para paglabas niya mamaya iinumin na niya." "Ang swerte naman ng mapapangasawa mo sayo iho." "Ako po ang maswerte sa kanya at bumalik siya sa akin." "Dati mo ba siyang kasintahan iho? Ang sabi mo kasi bumalik." "Opo. Dati ko po siyang kasintahan. Nagkaroon lang po ng hindi pagkakaunawaan dati kaya po kami nagkahiwalay ng landas. Sa ngayon po gusto ko na hindi na kami magkakahiwalay kaya ginagawa ko po ang lahat ng bagay para sumaya siya. Siya po ang kasiyahan ko Aling Isang." " Napakaswerte naman talaga. O siya iho mauuna na ako at sumusumpong na naman ang rayuma ko. Papahilot lang din ako ng likod sa apo ko. Bukas ko na makikilala ang kasintahan mo. Kailangan ko ng magpahinga." " Opo manang. Marami pa naman pong araw. Magpapahinga na rin po kami." "Good night senyorito." Saad na lang ng kasambahay bago iwanan ang amo nito. "Good night din po." Sagot na lang ni Vince at iniakyat na ang tea na gustong inumin ni Maia. "Baby ito na ang tea mo. I prepared it for you." Sambit ni Vince sa kasintahan na nagsusuklay na ng basang buhok nito. "Thanks baby. Nag-abala ka pa. Ako na sana gagawa nito. Pero since andito I might as well drink it kasi ikaw ang gumawa." "Ang sweet naman ng baby ko talaga. Maliligo na din ako baby. Baka ayaw mo na ako tabihan mamaya kapag hindi ako mabango." Paalam nito sa dalaga at pumasok na sa kwarto. "Sa sahig ka talaga mamaya kapag hindi ka naligo." "Kaya nga ito na baby, maliligo na ako. Baka totohanin mo na hindi ako tabihan." Kindat nito sa dalaga at pumasok na sa banyo. Habang inaantay ni Maia si Vince sa pagligo nito, nagcheck muna siya ng social media account niya. Nagulat siya sa notification na may friend request siya at si Vince iyon. Hindi tuloy niya alam kung iaaccept ba ang dalaga o hindi. Nag-stalk na lang siya sa social media ng binata at napansin niyang wala naman itong masyadong post at pictures. Marami ang followers ng kasintahan kahit wala naman itong picture talaga. Kaunti lang ang picture nito na solo. "Baby I saw it. You are stalking me." Saad ng boses na malapit sa tenga niya. Namula tuloy si Maia kasi hindi niya napansin ang paglapit ni Vince sa kanya. "May friend request ka kasi kaya napindot ko na din." Kaila pa ni Maia sa binata pero nakangiti naman ito. "Accept mo na kasi baby. Para naman mapost ko na ang pinakamamahal at pinakamaganda Kong kasintahan at mapapangasawa at the same time." "Asus baka naman madami ang magalit sa akin at madami kang napaiyak dati." "Baby wala naman akong magagawa kong nagustuhan nila ako. Basta for me wala akong gusto sa kanila. Ikaw lang ang tinitibok nito baby." Sambit pa ni Vince at kinuha ang kamay ni Maia para ilagay sa dibdib nito na ang lakas ng t***k. "Madami daw babae. Yan ang naririnig ko base sa pagtibok nito." "Baby mali yang akala mo. Wala akong ibang babae. I maybe playful in my younger years pero hindi na ngayon. Ayaw ko na mawala ka pa uli sa akin." "Sana nga baby. Sana nga". Saad na lang sa isip ni Maia habang yakap siya ni Vince.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD