KABANATA 27

1111 Words
Nag-set ng alarm si Maia kaya ng tumunog na iyon ay nagmadali siyang maligo para may oras pa siyang makapag-ayos. Namili siya ng damit na isusuot ng bigla niyang itinigil ang ginagawa. "Bakit ba ako natataranta ng ganito. Si Vince lang naman ang dadating para sunduin ako. What am I doing? Bakit nagpapaganda ako?" Napapailing na lang na sambit ni Maia sa sarili niya. "Anak andito na si Vince. Baba ka na." Saad ng kanyang mama ng kumatok ito. "Ma nagbibihis pa po ako. Pakiasikaso na lang po muna. Salamat ma." Sagot na lang ni Maia sa kanyang mama at hindi na ito pinagbuksan. Baka makita pa nito ang mga damit niya na nagkalat dahil sa kakapili niya ng isusuot. "Sige anak. Bilisan mo na diyan." Sagot naman ng kanyang mama at narinig na lang niya ang mga yabag nito na paalis na ng pinto ng kwarto niya. Niligpit na muna niya ang mga damit at napili na lang niya ang isang bestida na hindi pa niya nasusuot. Bumagay naman iyon sa katawan niya na lalong nagpasexy sa kanya. "Bahala na." Saad na lang niya habang bitbit ang maleta na may laman ng gamit niya. Nakita ni Vince na dala ni Maia ang mga gamit nito kaya inalalayan niya ito pababa. Siya na din ang humila ng maleta nito. "Ako na niyan baby." Saad niya dito at hinalikan ng mabilisan sa labi nito na kinapula ng pisngi ng dalaga dahil na rin sa nakamasid ang magulang nito. "Baby andito sina mama." Pabulong na sambit ni Maia sa kasintahan. "Baby magiging asawa mo na ako. Normal lang ang kiss na batian. Baka gusto mo pa ng isa baby. Willing akong ibigay sabihin mo lang." Pabulong ding sagot ni Vince. "Loko-loko ka." Hinampas naman ito ni Maia ng marahan. "Kain na muna tayo mga anak. Nakahain na din ang mesa." Yaya ng mama ni Maia na pinaunlakan naman ni Vince. "Tara na po. Tiyak sira na naman ang diet ko nito." "Iho hindi ka naman mataba. You are in good shape. No need for you to diet." "Tita baka kasi maghanap si Maia ng iba kapag mataba na ako." Pabirong sambit ni Vince na pinandilatan naman ni Maia. "Hindi iyon magagawa ng anak ko iho. Mahal na mahal ka niya nararamdaman ko." Sagot naman ng mama ni Maia na kinangiti naman ni Vince at ginagap ang kamay ng kasintahan. "I know tita. Alam ko na mahal ako ni Maia at mahal ko din siya. Mahal na mahal ko." "Ayan madami ng langgam kaya kumain na tayo baka pati pagkain langgamin sa inyong dalawa." Saad naman ng papa ni Maia na ipinaghila na ng upuan ang asawa. "Sana nga tito ganyan din kami ni Maia hanggang sa pagtanda namin. Ang sweet pa rin sa isa't isa." Saad ni Vince sa mag-asawa ng makita nitong sweet pa rin sa isa't isa. "Iho ang pag-ibig hindi yan pinipilit. If you truly love a person who would let him/her know it. It should put it into action. Kahit ba sabihin mong mahal mo ang isang tao pero iba naman ang pinapakita mo, it's useless. So if you love a person just show it. If it's true love no matter how long you've been together, andyan pa rin yan hanggang kayo at mamatay. Hindi lahat masaya, may lungkot din pero iisipin ninyo lagi na mahal ninyo ang isa't isa kaya lahat ng pagsubok kakayanin ninyo. Walang iwanan ika nga. Hindi porke't nagkamali ang isa iiwanan mo na. Dapat andyan ka para sa kanya thru in good and bad times. Dapat lalo na sa bad times kasi doon mo mapapatunayan na mahal mo siya talaga kasi hindi ka bumitaw." Mahabang paliwanag ng papa ni Maia na kinahanga naman ni Vince dito. "I should talk to you often tito para naman madami akong matutunan. But I assure you tita and tito na I will be with Maia thru thick and thin, in sickness and in health. Mamahalin ko po siya ng lubos". "Aasahan ko yan iho, kasi kapag umuwi ang anak ko dito na lumuluha at ikaw ang may kasalanan, magtago ka na. Hindi kita sasantuhin". Saad pa nito kay Vince. "I will not do that tito. Alam ko naman po na madami pa kaming pagdadaanan na dalawa pero kakayanin po namin ito. Di ba baby?" Tanong ni Vince kay Maia ng lumingon ito sa dalaga. "Yes." Nauutal namang sagot ng dalaga. "So let's eat. Alam kong lilipat pa si Maia sa bahay mo. Ingatan mo ang anak ko iho. Prinsesa namin yan dito." "Makakaasa po kayo na aalagaan ko po siya tito." "Salamat naman kung ganun". Saad naman ng papa ni Maia at nagsimula na silang kumain. Nagkwentuhan pa sila sa sala bago sila umalis pauwi sa bahay ni Vince. May nabili palang bahay si Vince kaya doon na sila tutuloy. Hindi pa nakikita ni Maia ang bahay kaya excited na din siyang makita iyon. "Baby are you ready to see our house?" Tanong ni Vince kay Maia at ginagap ang kamay nito na nasa taas ng legs ng dalaga. Napapitlag naman si Maia pagkuha ni Vince ng kamay sa legs niya kasi hindi niya iyon inaasahan at nagdulot iyon ng bolta-boltaheng pakiramdam sa kanyang pakiramdam. " Ahmm. Yes. Tayo lang na ang titira doon?" Tanong naman ni Maia sa kasintahan. "Meron tayong kasama doon para may tagaluto tayo at tagalinis. Si Aling Isang at Criselda." "Dalaga pa ba yung Criselda?" Tanong kapagdaka ni Maia pero huli na ng mabawi niya ang tanong kasi nangunot na ang boo ni Vince. "Apo siya ni Aling Isang. Ulila na kasi at magkasama na sila ng mamatay ang magulang ni Criselda. You don't have to be jealous baby. I'm all yours." Kindat pa ng binata. "I am not jealous. I was just asking." Naiinis na saad ni Maia para pagtakpan ang pagdududa niya sa binata. "I know you are baby." Panunukso pa ni Vince sa dalaga. "Bahala ka nga." Sagot na lang ni Maia para matapos na ang diskusyon nila tungkol doon. "Baby I so adore you when you're like that. You are so cute. I love you baby." Saad ni Maia dito ng makitang napahalukipkip na ang dalaga. Binigyan niya dito ng mabilis na halik ng huminto ang sasakyan sa stop light. "I love you too." Sagot naman ng dalaga at ngumiti na sa kasintahan. "I can't wait to hug you when we sleep later baby." Namula naman si Maia sa tinuran ni Vince. "You are blushing baby. Don't worry ill just hug you no more no less". Sagot naman ng binata na nagpagaan ng pakiramdam ni Maia kahit na may kilig na nararamdaman dahil sa araw-araw na niyang makakasama ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD