Kinabukasan maaga gumayak ang magkasintahan dahil na rin sa gusto nilang umiwas sa traffic pagdating ng Manila.
"Baby mamaya susunduin na kita sa inyo kaya mag-empake ka na ng damit mo. Gusto na kita makasama araw-araw."
"Baby pwede ba sa isang araw na lang?" Pagpapacute na tanong ni Maia dito.
"No, I can't wait any longer to be with you everyday. Hindi ka na makakawala pa sa akin baby. Akin ka lang."
"Ang possessive naman ng baby ko. Sige sundiin mo na lang ako mamaya. Ipagpaalam mo na ako kina mama at papa."
"I already told them about it baby so wala ka ng rason na umayaw pa."
"Ang bilis naman nila umoo sa gusto mo. Parang ikaw na ang anak ah." Nakasimangit ng sambit ni Maia kaya kinuha ni Vince ang kamay nito at hinalikan.
"Baby I was desperate to be with you kaya kinausap ko na sila. Huwag ka magalit sa kanila. I am just afraid that if malayo ka sa akin you would find another man. I was too afraid to loose you again baby. Please understand. I love you so much baby."
"I love you too baby. I will not find a man. I assure you that so huwag ka na mag-isip ng kung ano diyan ok."
"I am just marking my territory baby. Sana naman maintindihan mo na ayaw ko ng mawala ka pa sa akin kaya ko ito ginagawa."
"Yeah, I understand." Sagot na lang ni Maia.
Napapansin niyang masyadong possessive ang kasintahan. Masaya siya pero may kaunti pa siyang agam-agam sa dibdib. Hindi pa niya tuluyang matanggap kung talagang mahal siya nito o gusto lang gumanti sa pang-iwan niya noon. Alam niya sa sarili na mahal niya si Vince mula noon hanggang ngayon. Hindi naman nabawasan ang pagmamahal niya sa lalaki. Ito ang lalaking gusto niya makasama habang buhay. Gusto niyang maging ama ito ng magiging anak niya in the future. Panalangin niya na sana totoo lahat ng pinapakita nito sa kanya. She don't want to feel the pain again ng may mahuli niya ito dati na may ibang babae. Hindi pa niya inaamin ang dahilan ng paglayo niya dito. Hindi pa sila nagkausap ng masinsinan kasi laging nauudlot..
"What are you thinking baby? May masama ba akong sinabi?"
"Wala naman baby. I was just thinking how I will be working with you. Are you a strict boss or what." Pag-iiba na lang ng topic ni Maia.
"I will be a loving boss for sure pero sayo lang kasi love kita."
"Ang corny baby pero gusto ko yan." Sagot naman ni Maia dito.
"Andito na pala tayo." Saad ni Vince kay Maia ng nasa labas na sila ng gate ng bahay ng dalaga.
"Hindi na ako papasok baby. Babalik naman ako mamaya. Pasabi na lang kina tito at tita. Kakausapin ako nila mama at papa kaya uuwi na muna ako. Aayusin ko din ang kwarto natin."
"Sige baby. Ingat ka. I'll see you later. Sabihin ko na lang kina mama at papa na babalik ka mamaya." Saad ni Maia dito.
Akma na sanang bababa si Maia ng pig ilan naman ito ni Vince.
"May nakalimutan ka ata baby." Sambit ni Vince na kinaangat ng kilay ni Maia.
"Ano naman yun abir." Sagot ni Maia na walang clue kung ano ang sinasabi ni Vince.
"Here." Sagot ng binata at sinakop ang nakaawang niyang labi.
Hinalikan ng may pagsuyo ni Vince ang labi ng kasintahan na nagulat kaya nakaawang ang labi nito.
Naging mapusok na ang halikan nila kaya itinigil na ito ni Vince.
"Sorry baby. Na-carried away lang ako. Marami pa tayong time niyan lalo sa bahay ka na titira."
Namula naman ang mukha ni Maia at isiniksik na lang nito ang mukha sa leeg ng kasintahan.
"Baba na ako baby. Balik ka na lang mamaya para sunduin ako."
"Ok baby. I love you."
"I love you too." Sagot naman ni Maia at umibis na sa sasakyan.
Habang papasok ng bahay nila, nakangiti si Maia at halatang kinikilig sa kasintahan. Ika nga nila, love is lovelier the second time around.
"Iha andito ka na pala." Saad ng kanyang mama pagpasok niya sa sala.
"Yes ma. Kakarating ko lang po. Babalik na lang po si Vince mamaya para sunduin ako." Tugon naman niya sa kanyang ina.
"Oo nga pala. Sa kaniya ka na titira. Anak huwag mo masyadong awayin ang mapapangasawa mo ha. Dapat magtulungan kayo para sa ikakaganda ng pagsasama ninyo. Huwag basta-basta maniniwala sa mga tsismis. Pag-usapan ninyo lagi ang mga bagay na hindi naman dapat pag-awayan. Be more patient with him. Dapat may team work kayong dalawa."
"Yes ma. I will do my best na hindi kami mag-away." Sagot na lang ng dalaga para matigil na sa kakasalita ang mama niya.
"Pinatitigil mo naman agad ako anak eh. I was so happy na makasama mo na uli ang kasintahan mo na soon to be husband mo na. Anak bilis-bilisan mo ang kilos para may apo na ako. Gusto ko na uli magkarga ng baby. Nakakamiss din pala ang mag-aruga ng baby. Kaya sana bago man lang namin lisanin ng papa mo itong mundo ay masilayan naman namin ang anak mo."
"Ma matagal pa yun tsaka matagal pa ang pagsasama natin. Kapit lang tayo. Para namang pinabibilisan mo naman ang pagkakaroon ng apo ma eh hindi pa nga kami kasal. May basbas naman sana ma pero kung nagmamadali ka kayo na lang ni papa ang gumawa". Sagot naman ni Maia.
"Aba anak sa gandang lalaki ni Vince madami ang naghuhumaling diyan. Baka malingat ka na lang iba na ang kahawak kamay niyan."
"Ma naman, ang advance lagi ng iniisip ninyo. Hindi naman kami nagmamadali ma. Gusto ko lang na ma-enjoy muna ang pagsasama namin."
"Bakit hindi ba enjoy ka naman ng makita siya lagi. Kailangan mo gumawa ng paraan na hindi na siya lumingon pa sa iba so dapat lagi lang maganda sa paningin niya."
"Ma matagal na akong maganda kaya pasado na ako jan. Wala lang dapat epal na aaligid sa kanya at baka makita ng babae kung ano hinahanap niya. Hindi nila dapat ina-under estimate ang kakayahan ko. Pagbuhulin ko pa sila ni Vince."
"Brutal ka mag-isip anak. Dahan-dahan lang at baka kung ano na naman ang gagawin mo. Baka sa pagiging padalos-dalos mo eh bigla kayo maghiwalay."
"I will keep that in mind ma. Mag-aayos lang ako ng gamit ko ma para hindi na ako nagmamadali mamaya kapag nandito na si Vince."
"Excited ang anak ko na makasama ang mahal niya."
"Ma naman eh. Aakyat na muna ako ma. See you later. Love you ma."
"Love you too anak." Sagot naman ng kanyang mama na tinanaw na siyang papaakyat sa kanyang silid.