Hindi na pinansin nila Maia at Vince ang nangyari ng araw na iyon kaya naisipan nilang gumawa ng bonfire sa tabing dagat. Gusto lang nilang maging memorable ang huling gabi nila sa resort ni Vince.
"Baby I was sad kasi aalis na tayo bukas pero happy ako na I got to spend this quick vacation with you." Saad ni Maia sa kasintahan na nagbabantay ng barbeque na pinahanda nito sa kusinera.
"Babalik naman tayo dito baby. Sa pagbabalik natin tiyak magkakalaman na yang tiyan mo."
"Paano mo naman masisigurong malalamanan na ito baby." Sabay himas nito sa tiyan.
"Syempre baby honeymoon na natin yun kaya hindi ako titigil hanggat hindi tayo magkaroon ng little Vince or little Maia."
"Sabi mo eh. Huwag ka lang gumawa ng kasalanan para magkatotoo yan."
"Hindi po ako gagawa ng kasalanan. Mahirap na at baka iwanan mo ako. Pero baby kapag may mga nalaman ka tungkol sa mga panahong wala ka sa tabi ko. Sana ako na muna ang tanungin mo kasi ang nakakaalam sa mga nangyayari."
"Yes baby. Dapat lang na ikaw kasi ikaw naman ang involve."
"Tama na muna sa usapang yan baby. I wanna cuddle you now."
Lumapit naman si Maia dito at niyakap mula sa likod ang kasintahan.
"Baby kung wala ka lang dalaw ngayon honeymoon na sana natin."
"Ikaw talaga. Puro honeymoon ang alam mo". Puna naman ni Maia dito at kinurot ito ng pino..
"Awww baby masakit yan."
"Eh sa makulit ka. Naglalambing ako dito iba naman iniisip mo."
"Baby kasi kapag nasa tabi kita para na akong sinisilaban."
"Heh tumigil ka". Sagot naman ni Maia at tinanggal na ang kamay sa pagkakayakap kay Vince.
"Baby I want your hug. Hindi na ako mangungulit. I just wanna feel you."
"Eh sa madami kang sinasabi kaya manigas ka diyan."
"Kanina pa matigas baby." Pabulong na sagot ni Vince.
"Ano sabi mo?" Naiinis na tanong ni Maia kasi hindi niya marinig ang sagot ng kasintahan.
"Sabi ko ang ganda mo baby. Please give me a hug. Patapos na din naman ako dito sa pag-iihaw."
Sumunod naman si Maia at niyakap uli mula likod ang kasintahan.
"It's just so good to feel you baby. Salamat sa mga yakap na sing tamis ng honey sing tatag ng sunshine."
"Loko-loko parang kanta yun ha."
"Kanta ba. Naalala ko lang. Kasi naman nababaliw ako sayo bawat silakbo ng puso ko." Kumindat pa si Vince dito.
"Kanta nga talaga. Tapusin mo na yan baby gutom na ako. Kainin na natin."
"Malapit na to baby. Pwede bang kumuha ka ng beer sa loob baby. I just wanna drink kahit dalawang bote lang. Pampatulog."
"Sure baby. Saan ba yun nakalagay."
"Meron dun baby na ref na puro alak lang. Kumuha ka lang ng beer. Magkatabi lang ang ref na yun. Yung isa mga pagkain nakalagay ang isa mga alak. Stock yun para sa lahat dito."
"Ok, I will get it baby. Kukuha na lang din ako ng softdrinks."
"Sure baby. May junk foods din sa pantry kuha ka na din. Lubusin mo na baby." Kindat pa nito.
"No problem. Kuha lang ako". Sagot naman ni Maia.
"Bilisan mo lang at ako naman ang yayakap sayo."
Ngiti na lang ang naisagot ni Maia at pumasok na sa bahay.
Sa kabilang banda. Nakatanaw lang si Madel sa malayo habang masaya si Vince at Maia na nag-iihaw.
"Madz tigilan mo na yang kakapantasya mo kay Sir Vince. Nakita mo naman kung gaano kasaya ng dalawa. Hindi mo na mapaghihiwalay yan". Sambit ni Sarah ang binabaeng kaibigan nito na tagalinis din sa rest house ni Vince.
"Sarah naman hindi ko nga alam anong gagawin ko para masilo ko si Sir Vince. Ikaw naman tong pigil ng pigil sa akin. Ang alam ko babalik yan si Sir dito na hindi kasama yang kasintahan niya so yun ang pagkakataon ko na maagaw siya."
"Sinasabi ko sayo Madel kapag nalaman ni Sir Vince itong mga plano mo baka palayasin ka na dito."
"Eh anong magagawa ko. Sadyang mahal ko lang si Sir Vince. Wala na akong hinangad pa na lalaking makasama hanggang sa pagtanda ko kundi si Sir Vince lang."
"Tumigil ka na sa kahibangan mo Madel. Walang magandang maidudulot yan kundi sakit. Kahit naman siguro maakit mo si Sir babalik pa rin yan kay Ma'am Maia."
"Huwag mo ngang matawag na ma'am yan. Ako ang nababagay na maging ma'am sa ilang araw."
"Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote mo at nasabi mong ikaw ang magiging ma'am. Dahan-dahan sa ilusyon ateng at baka sa mental ang bagsak mo. Marami ka namang manliligaw pero pinili mo pa rin ang magpakatanga sa pag-ibig. Wala namang masama ang umibig pero sana ilugar mo naman. Walang kasiguraduhan ang pag-ibig na inaasam mo. Payong kaibigan lang Madel, sa iba mo na lang ibaling ang pagmamahal na yan at makakasira ka lang ng wagas na pag-iibigan."
" Tigilan mo na ako sa mga payo mong ganyan. Hindi ako natutuwa. Mas matutuwa pa ako kapag tinulungan mo akong makuha si Sir Vince."
"Hindi ko nga gusto ang ginagawa mo tapos tutulungan pa kita? Hindi nga tama ang gagawin mo tapos magiging kakutsaba pa ako. Huwag mo na ako isali sa maling gagawin mo. Mahal ko ang trabaho ko at madami akong natutulungan dahil dito. Huwag mo akong isama sa binabalak mo at baka ikasisante ko pa. Diyan ka na nga magpapahinga na ako. Marami pa akong gagawin bukas at babalik na sa Manila sina sir. Kailangan malinis ang resort bago man lang siya umalis. May bonus na naman tiyak na ibibigay yun. Ngayon pa na ikakasal na siya sa pinakakamamahal niya at magiging reyna ng resort na ito." Mahabang litanya ni Sarah at umalis na ito sa tabi ni Madel na naiinis naman sa mga pangangaral ng kaibigan.
Naiinis man sa mga sinabi ni Sarah. Hindi na iyon pinakinggan pa ni Madel. Buo na sa loob niya ang maging kanya si Vince by hook or by crook. Nakangising saad nito habang tinitingnan ang magkasintahan ang sweet sa isa't isa.
"Sige lang. Sulitin mo na Maia ang araw na kasama mo si Sir Vince dahil mawawala na siya sayo dahil sa gagawin ko."
"Baby nga pala I will be back here para makasama ang mga barkada ko. Matagal na kasi namin naplano iyon. Pero mga two weeks from now pa naman. If you're free you can join us."
"Let me see baby. May lakad din pala ako niyan baby. Biglaan din kasi yan. May pupuntahan kaming resort din ng mga kaibigan ko. Supposedly isasama nga kita pero hindi ka pala pwede."
"It's ok baby. Sulitin mo na ang barkada bonding ninyo at ako naman ang makakasama mo forever."
"Thanks baby. The best ka talaga." Sambit ni Maia dito at hinalikan pa ng mabilisan ang labi ng kasintahan.