Sinulit ni Maia at Vince ang natitirang araw nila sa resort. Hindi naman makaligo si Maia dahil sa meron siyang buwanang dalaw kaya nag island hoping na lang sila ni Vince.
"Baby salamat sa pagsama mo sa akin dito sa resort mo ha. It was a relaxing experience. Maganda ang napili mong lugar."
"You are welcome baby. Maganda sana kung nakapag scuba diving tayo at snorkeling kaso may dalaw ka. Next time baby kapag nakabalik na tayo dito mas madami pa tayong activities na gagawin."
"Sana nga para mas maeenjoy ko lalo. Naenjoy ko naman ang experience na makapunta dito baby kaya salamat talaga."
"Bukas na ang balik natin sa Manila. May meeting kasi ako with some potential investors. And then next week start ka na magtrabaho doon baby."
"Next week agad baby? Ang bilis naman ata. Hindi ba pwedeng mag training na muna ako."
*Baby you should start right away. Don't waste time. Para din naman sayo yun baby eh. I mean para sa atin if you want to include me."
"Oo naman. Kaya nga papakasal tayo diba". Sang-ayon naman ni Maia sa kasintahan.
"I thought you wouldn't include me."
"Asus. Ang daming satsat." Saad ni Maia at lumapit na kay Vince at yumakap dito.
"Syempre kasama ka sa mga gusto kong gawin. Ikaw din naman ang aalalay sa akin baby eh. I will count on you ok."
"Of course baby. Lagi kitang aalalayan."
"Baby gutom na ako. Kain tayo. May merienda ba?"
"Meron syempre baby. Nagluto sila ng gintaang bilo-bilo. Gusto mo ba yun?"
"Yes baby. Nakakamiss nga kumain noon. May kasambahay kami dati na magaling magluto nun kaya natikman ko at masarap nga." Kwento naman ni Maia.
Pagpasok nila sa bahay. Nakasalubong nila si Madel na sexy na naman ang suot.
"Magandang araw po senyorito". Pagbati nito kay Vince pero hindi pinansin na kasama si Maia.
"Hindi man lang ako binati." Inis na saad ni Maia.
"Hayaan mo na. Hindi ka naman daw lalaki love kaya hindi ka na pinansin."
"Hindi pinansin kasi kasintahan mo ako. Syempre nagseselos yun baby."
"Hayaan mo na siya. Gusto lang tayong pag-awayin nun. Let's not waste our time on that baby."
"Kumain na tayo." Saad ni Vince at hinila na siya papuntang hapag kainan.
Umuusok pa ang ginataang bilo-bilo sa mesa kaya natatakam na si Maia na kainin iyon.
Ipinagsandok naman siya ni Vince kaya kinilig ang dalaga.
"Ang sweet naman talaga ng baby ko." Puna ni Maia dito.
"Baby matagal na akong sweet ah. Ngayon mo lang talaga napansin?" Kunyaring pagtatampo nito.
"I mean you are extra sweet today." Pagwawasto ni Maia.
"I will be forever sweet baby". Sagot naman ni Vince at kinintalan siya ng mabilis na halik sa labi.
Nagulat sila ng may nabasag na kung ano sa kusina.
"Ano yun?" Takang tanong ni Vince sa hardinero na Mang Nestor.
"Si Madel sir may nabitawang baso. Nakita ko po kasing sinisilip kayo ni Ma'am. Baka po nagseselos." Napakamot sa ulong sambit nito.
"Akala ko kung ano na. Sige Mang Nestor."
"Sige po sir." Sagot naman nito at lumabas na ng bahay.
"Ang lakas ng tama sayo ng babaeng yun. Baka naman baby binigyan mo ng motibo dati kaya nagkagusto sayo. Hindi naman kasi magkakaganyan yan kung wala siyang nakita sayo dati."
"Wala naman akong sinabi sa kanya dati. Sadyang palakaibigan lang ako. At saka baby I'm mending a broken heart dati so bakit ako magbibigay ng motibo para magustuhan ako. Ang gusto ko lang dati ang bumalik ka sa akin. I was so stressed that time. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin kasi wala akong natatandaan ng araw na yun o ng mga nakaraang araw na ginawa ko para umalis ka."
Nais na sana sagutin ni Maia ang kasintahan pero may tumawag na naman sa cellphone nito.
*For a while baby. I'll just answer this. Baka may problema sa kompanya."
Umalis na muna si Vince sa komedor at lumabas kasi mas malakas ang signal doon.
Nakadalawang mangkok din si Maia ng ginataang bilo-bilo.
"Ang sarap". Saad ng dalaga ng makain na ang huling subi niyon.
"Ma'am pwede ba kitang maistorbo." Tanong ni Madel ng malingunan niya ito.
"Anong maipaglikingkod ko?" Tanong nito sa dalaga.
"Ma'am pasensya na po kayo pero mahal ko po si Sir Vince. Ako po ang kasama niya noong iniwan mo siya. Ako po ang nag-alaga ng itinapon mo ang relasyon ninyo." Naiiyak na saad nito kay Maia.
"Hindi ko naman tinatanong sayo yan. At bakit mo sinasabi ito sa akin. Bakit hindi mo sabihin kay Vince." Naiinis ng turan ni Maia.
"Hindi niya kasi ako kinakausap. Ikaw lang ang binibigyan ng pansin."
"Natural ako ang kasintahan. Wala ka na bang makitang lalaki kundi si Vince lang?" Dagdag pa ni Maia na kahit naaawa sa itsura ni Madel na tigmak na ng luha.
"Si Sir Vince lang po ang minahal ko ng ganito at may nangyari na po sa amin. Ito po ang patunay." Saad nito na iniabot pa cellphone nito na may litrato si Vince na nakapikit at nakayakap kay Madel.
Hindi maiwasang magduda ni Maia pero gusto niyang kausapin si Vince na magkaharap silang tatlo para sagutin nito ang sinasabi ni Madel.
"Baby what is happening?" Tanong naman ni Vince na galing sa labas. Marahil tapos na ito sa pakikipag-usap sa telepono tungkol sa business nito.
"Baby tingnan mo sa larawang ito kung ano ang nangyari ng araw na yan?" Galit na saad ni Maia kay Vince na nagulat naman sa pagtaas ng boses niya.
"What the f..k. I didn't know when this happen baby. I was drunk maybe. Alam mo naman kapag sobra ako sa kalasingan natutulog na talaga ako."
"Ano na naman to Madel? Will you please stop what are you doing. Sinisira mo na naman ako sa mapapangasawa ko. Wala na akong hinahangad na ibang makasama sa future kundi si Maia. So better explain this picture." Saad nito kay Madel na bigla namang hinablot ang cellphone at tumakbo palabas ng bahay.
"Baby naniniwala ka ba sa kanya? Marami pa tayong pagdadaanan sa relasyon nating ito pero sana pakinggan mo ako". Saad ni Apollo dito at nakitang nagpahid ng luha si Maia kaya dali-dali niyang niyakap ang kasintahan.
"Baby diba sabi ko iiyak ka lang dahil sa kasiyahan. Please don't let that woman ruin us. Wala akong naalala na may nangyari sa amin. I was so sure about that. I may bed some women pero that was in the past. I am sorry baby. Please let's settle this once and for all."
"I'm sorry baby. I was just shock sa rebelasyon niya. Sadyang mahal ka lang niya kaya niya nagawa niyon. Ikaw ang pinapaniwalaan ko." Sagot naman ni Maia at mas lalo pang niyakap si Vince.
"I love you so much baby. Ikaw lang." Saad ni Vince at hinawakan siya sa mukha.
"I love you too baby." Sagot ni Maia at ito na mismo ang humalik sa kasintahan na sinagot naman ng mas maalab na halik.