Kinabukasan nagising si Maia na nakatunghay si Vince sa kanya.
"Yes baby. Ano na namang drama yan?"
"I was just happy na kasama kita ngayon. At masaya ako na gigising araw-araw na ikaw ang makikita ko."
"Ang corny naman pero I love to hear it. I love you." Sambit naman ni Maia dito at ginawaran ng halik sa pisngi ang kasintahan.
"Bakit sa pisngi lang? Ang daya naman. Sa pisngi lang baby? Wala bang lips to lips diyan."
"Loko-loko. Kakagising ko lang at hindi pa naka tooth brush kaya lumayo ka na muna. Mabugahan pa kita ng mabahong hininga."
"Hindi naman mabaho ah." Nilapit pa ni Vince ang ilong sa bunganga ng dalaga na tinakpan naman nito.
"Heh. Umalis ka diyan. Magbabanyo muna ako."
Pagbangon ni Maia sa kama. Nakita niyang may dugo sa bed sheet kaya tinakpan niya ito pero huli na kasi nakita na ito ni Vince.
"Dalaga ka na baby". Saad nito na kinapula ng mukha ni Maia.
"Baliw. I'm sorry. Nawala sa isip ko na magkakaroon na pala ako". Hinging paumanhin nito sa binata.
"It's ok baby. Hindi naman sadya. Malungkot lang ako kasi hindi tayo makakagawa ng baby."
"Ikaw talaga ang lakas ng trip mo. Nahihiya na nga ako dahil natagusan ko ang bed sheet tapos pagawa pa ng baby ang sasabihin mo. Darating tayo diyan baby. Ikaw ang gusto kong maging ama ng mga anak ko kaya huwag kang mag-alala iyong-iyo ako."
"Oo naman baby. Ilan bang anak ang kaya mo. Isang team ng basketball tapos isang muse pwede na sa akin."
"Heh. Ikaw na lang ang magbuntis para ikaw ang mahirapan."
"Oo ba. Basta madaming anak ok lang na ako magbuntis."
"Ang dami mong alam baby. Pwede ba magrequest sayo?"
"Ano yun baby? Huwag lang ang layuan ka kasi hindi ko gagawin yun."
"Heh, yun pa talaga naisip mo. Wala akong dalang pads kasi nakalimutan ko na magkakaroon ako. Pwede mo ba ako ibili? Ikaw mismo ang bumili kasi nakakahiyang iutos yun. Please baby."
"Oo naman baby. Ilang box ba yan?"
"Loko-loko. Hindi box. Isang pack lang baby." Saad niya dito at sinabi ang brand na gustong ipabili kasi doon siya hiyang.
"Aantayin kita para makaligo na ako at malabhan ko ang bed sheet."
"Leave the bed sheet. May maglalaba niyan."
"Nakakahiya eh. Ako na lang maglalaba."
"No, hindi na. Ipapalaba ko na yan." Sagot naman ni Vince at kinuha na ang bed sheet para dalhin sa baba.
"Sabihin mo na lang sorry baby ha. Hindi ko sadya."
"Ang sweet naman ng baby ko. Pa kiss muna at lalabas lang ako para bilhan ka ng pads."
Ngumuso naman si Maia para mabigyan ng halik ang nobyo.
"Ang kuripot sa halik. Mamaya na lang ako babawi."
"Heh tumigil ka. Bilisan mo na para makabihis na ako baby."
"Ok po baby. Bibilisan ko na at baka magkagiyera pa." Sumaludo pa ito kay Maia bago dali-daling lumabas.
Habang inaantay ni Maia si Vince pumasok naman ang isang kasambahay nila na si Aling Delia.
"Ma'am papalitan ko lang po ang bedsheet ninyo. Nautusan po kasi ako ni Sir Vince na nagkaroon po kayo." Saad nito sa kanya ng pagbuksan niya ito ng pinto kanina.
"Opo. Pasensya na po. Nakalimutan ko kasi na magkakaroon pala ako."
"Naku huwag kang humingi ng paumanin iha at talagang nagkakaroon ang mga babae buwan-buwan."
"Iha bantayan mo yang kasintahan mo at madaming umaaligid diyan. Napakagwapo naman kasi. Pero alam ko din naman na faithful siya sayo kasi nung mga panahong andito siya at naglalasing Maia ang bukambibig. Nalaman ko na ikaw si Maia kaya masaya ako na bumalik ka. Huwag na sana kayo maghiwalay. Mabait si senyorito kaya sana magpakatatag kayong dalawa."
" Salamat po manang. Makakaasa po kayo na magiging maunawain ako."
" Mabuti naman kung ganun. Tapos na ito iha kaya lalabas na ako. Saan ba nagpunta si senyorito?"
" May pinabii lang po ako. Nakakahiya pong iutos sa iba kaya siya ang dapat bumili."
" Maswerte ka sa batang yun. Maiwan na kita. Ihahanda ko lang ang makakain ninyo at hindi pumasok si Madel. Nalasing kagabi."
" Sige po. Salamat po uli."
" Walang anuman iha."
Pagdating ni Vince naligo na si Maia para makapalit na lang ng pads at guminhawa ang pakiramdamdam niya. Nanlalagkit na rin kasi siya.
" Baby are you feeling ok?" Tanong ni Vince sa dalaga.
"I'm ok. I feel fresh after getting from shower. Salamat sa pagbili ng pads." Nahihiya kasi akong iba pa bumili.
"It's ok baby. For you i will do it. Baba na tayo. I am starving." Yaya nito sa kasintahan.
"Sige I am hungry too. Kain na tayo. Nakapaghanda na din ata sila. Wala daw kasi si Madel." Sambit niya dito.
"I'm hoping she can move on from me at sana huwag na muna siya pumunta dahil sa naiinis pa ako sa kanya."
"Baby huwag kang magsalita ng ganyan ok. Let's just enjoy our stay here. Nagmahal lang siya kaya ganun. Let's not ruin our day just because galit ka sa kanya. Makakamove on din yun." Saad pa ni Maia at nilambing si Vince . Hinalikan niya ito ng magaan bago niyaya pababa sa hapag kainan.
Madaming nakahain sa mesa pagdating nila doon. May sinangag, pritong itlog, daing na bang us, hotdog, longganisa. Kape ang iinumin ni Vince at hot choco naman kay Maia.
"Let's start eating baby. I'm so hungry because of going out."
"Hindi naman pala bukal sa loob mo na bilhan ako ng pads eh. Sana ako na lang bumili."
"Baby that's not what I meant. I was just saying I'm hungry wala ng iba." Naiinis na sambit nito sa dalaga. Hindi alintana na moody ang dalaga dahil sa buwanang dalaw nito.
Nagulat na lang si Vince na humihikbi na ang kasintahan kaya dali-dali niyang binitawan ang kutsara at inalo ito.
"Baby I'm sorry. I'm being childish. Hindi pala dapat kita tinaasan ng boses. Meron ka nga pala baby. I must take good care of you."
"It's ok. I am also moody because of my period. Let's eat na baby. I'm sorry again."
"Shhhhh. Kasalanan ko baby. Ako ang dapat magsorry sayo." Sambit ni Vince dito at hinalikan ng mabilis sa labi ang dalaga bago bumalik sa upuan nito.