Niyakap na ni Maia si Vince dahil magkatabi sila matulog. Hindi mapuknat ang ngiti niya sa mga pinapahayag ni Vince sa kanya. Umakyat na din kasi sila sa kwartong gamitin pagkatapos nito umayaw sa paanyaya ni Madel na uminom.
Kailangan na pala niyang gwardyahan ang binata sa mga katulad ni Madel. Para bang mauubusam ito ng lalaki na pati ang kasintahan niya ay napagdidiskitahan nito.
"Baby huwag mo ng alalahanin si Madel. Wala naman siya sa kalingkingan mo eh."
"I was just wondering bakit ganun siya sayo. Baka naman nagpakita ka din ng motibo kaya ka nagustuhan nun". Inis na sambit ni Maia.
"Baby naman. Hindi ko naman inakit yun. Sadyang gwapo lang itong mapapangasawa mo. Di ba nga nahumaling ka din sa akin." Biro ng binata.
"Huwag mo akong isali kasi ikaw naman talaga ang nagkagusto sa akin. Nahulog lang din ako pagkatapos."
"Oo naman baby. Ako naman talaga ang nahumaling sa kagandahan mo. Inaamin ko naman yun."
"Huwag ka na magtaray. Lalo akong naiinlove sa ganyan mo eh. Ang cute mo talaga. Halika nga dito baby ko."
"Bakit hindi ikaw ang lumapit. Ikaw ang may kailangan."
Inamoy-amoy niya ang kilikili ni Vince para makatulog siya.
Nagising si Vince na may mabining hininga sa kanyang leeg. Napangiti siya ng makita si Maia na payapang natutulog sa tabi niya.
Hindi mapigilan ni Vince na halikan ang labi ng kasintahan.
Nagising naman si Maia ng maramdaman ang mabining paghalik sa labi niya.
"Baby naman. Sarap pa matulog eh. Madaling araw pa lang". Nahihiyang saad ni Maia dito at nag takip ng unan sa mukha.
Natatawa namang tinanggal ni Vince ang unan na nakataklob sa mukha ng kasintahan.
"Baby hindi naman eh."
"Ah basta maghihilamos muna ako at toothbrush. Huwag ka makulit." Tumakbo na din ito sa banyo at nilock ang pinto.
"Baby can I join you?" Nakangising tanong pa nito sa dalaga.
"Hindi pwede. Baka kung saan pa mapunta ang pagpasok mo dito. Diyan ka lang sa labas." Sagot naman ni Maia sa loob ng banyo.
"I'll wait for you".
"Sandali na lang ako."
"Ok. I am gonna claim the kiss baby. Pinagdamot mo ang labi mo sa akin. Akin lang yan baby."
"Ang kulit mo. Kapag lumabas ako makakatikim ka sa akin."
"Halik ba matitikman ko baby? I'm excited for that kaya labas ka na diyan."
Paglabas ni Maia nakanguso na si Vince kaya imbes na magalit siya natawa na lang siya.
"Baby naman akala ko halik na ang igagawad mo sa akin. Tawa pala. Halika nga dito baby ko. I wanna hug you."
Lumapit naman si Maia sa binata at ikinawit ang mga kamay nito sa batok ng lalaki. Siya na mismo ang humalik sa binata na kinagulat naman ni Vince pero sinagot naman nito ang halik ng kasintahan ng may intensidad kaya napaungol na ang dalaga.
Kapwa habol ng dalawa ang hininga pagkatapos ng pinagsaluhan nilang halik.
"Baby thank you for bringing joy in my life. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung hindi ka bumalik sa akin. I was being lost when you are not with me. Yung time na nawala ka, hindi ko na alam kung babalik ka pa ba sa akin. I was praying na sana balikan mo ako. Then I keep asking myself may mali ba akong ginawa kaya ka umalis. Wala kasi ako maisip na ginawa ko kaya mo ako iniwan".
Sasagot na sana si Maia para sabihin ang mga bagay na dahilan kung bakit siya umalis ng biglang may kumatok sa kwarto nila.
Binuksan naman ni Apollo ang pinto pero nakasimangot ito dahil sa nasira ang moment nila ni Maia.
"Sir maawa ka naman sa akin. Ok lang na dalawa kami ni Maia sa buhay mo. Hindi ako hihingi ng lahat ng oras mo. Aantayin ko lang na bigyan mo ako ng pansin. Basta huwag mo lang akong balewalain." Umiiyak na saad ni Madel sa lalaki.
"What are doing here? Are you crazy? Kailan ba ako nagpakita ng motibo na magugustuhan kita? Wala naman akong naalala na nagsabi ako na gusto kita. Alam mo na mahal na mahal ko ang kasintahan ko. Katunayan na ikakasal na kami. So please huwag ka ng gumawa ng bagay na magiging dahilan ng pag-aaway namin. Matulog ka na. Lasing ka lang."
Lumabas na si Maia dahil sa nakikinig lang siya sa sinasabi ni Vince kay Madel. Naawa man siya sa babae pero may punto naman ang kasintahan niya. Hindi magandang papatulan niya ang dalaga na meron na siyang kasintahan.
"Baby tama na yan. Hayaan mo na siya." Awat niya sa kasintahan.
"Sumusobra na kasi siya baby. Hindi ko naman intensyon na pagsabihan siya ng ganun pero yun ang tama."
Nakita ni Maia ang sakit na bumalatay sa mukha ni Madel habang hawak naman ito ng isang lalaki sa braso na pilit ito inaawat sa pagpunta sa kanilang kwarto.
" Madel I don't wanna be rude pero sana dumistansya ka na sa akin. I am so loyal to my girlfriend. Naghiwalay na kami dati and I intend to keep my relationship now. Hindi na sana mauulit ang kapangasahang ginawa mo na ito. I was here to relax not to have a problem."
"Pare paalalay na lang sa kanya." Utos nito sa isang tauhan din nila na kababata ni Madel.
"Ok sir. Pasensya na po. Hindi ko na nahabol kanina ng pumasok siya dito sa loob. Sadyang lasing lang po. Mahihimasmasan din ito bukas."
Pilit winawaksi ni Madel ang braso na hawak ni Anton ang kanyang kababata.
"Bitawan mo ako. Hindi ako lasing. Ito ang tandaan mo sir. Sana hindi na lumayo si Maia sayo para hindi mo maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon". Saad ni Madel bago ito umalis na umiiyak. Sinundan naman ito ni Anton na humihingi ng pasensya kina Maia at Vince.
"Baby I'm sorry for that." Nakayakap na sambit ni Vince sa kanya.
"It's ok baby. Naiintindihan ko naman siya. Nagmamahal lang siya."
"I know pero she's crossing boarders already. Hindi na tama ang ginagawa nila. Parang gusto ko na tuloy umuwi bukas kahit gusto ko pa magstay dito kasi kasama kita dito."
"Huwag na muna tayo umuwi. Just don't mind her. Iwasan mo na lang o kaya kausapin mo ang magulang tungkol sa ginagawa niya. Lahat naman makukuha sa magandang usapan baby."
"Ang swerte ko talaga at may kasintahan akong ubod ng bait. Tara na love sa loob at ng maipagpatuloy ang naudlot na halikan dahil sa istorbo."
"Hoy. Anong ipagpatuloy ang naudlot. Matutulog na tayo. Pagod ako, gusto ko nga sana ng masahe. Marunong ka ba?"
"Kung hindi mo naitatanong baby. Magaling ako sa himasan."
"Huwag na nga lang baka saan pa mapunta yang massage na yan." Natatawang saad ni Maia pagkatapos kurutin si Vince sa tagiliran.