Pagkatapos maligo nina Vince at Maia ay napagpasyahan ng dalawa na sa tabing dagat kumain kaya nagpaset-up ng romantic dinner by the beach si Vince sa kanyang mga tauhan.
"Baby tapos ka na ba diyan?" Tanong ni Vince sa dalaga at kinatok na ang pinto ng banyo kung saan nagbihis ang dalaga.
"Yes baby. I'm almost done. Palabas na ako. Miss mo naman agad ako eh." Sambit nito sa kasintahan.
"Every minute kitang namimiss mahal ko kaya bilisan mo na diyan at baka pasukin kita."
Pagkarinig ng huling sinabi ni Vince ay dali-daling lumabas si Maia.
"I'm here baby." Nakangiting saad nito kay Vince kahit ang totoo ay bigla siyang kinabahan sa sinabi nito.
"Takot ka namang mapasok baby. I'm harmless."
"Harmless o harmful baby?"
"Grabe ka sa harmful baby. Lovable pwede pa." Pagwawasto nito sa kasintahan.
"Oo na, cute, lovable, handsome, hot. Ano pa baby? Yan kasi ang description sayo pero sana huwag yung chikboy."
"Oo naman baby. I'm faithful. I am all yours."
"Talaga lang ha baby. Kapag ikaw nagkaroon ng babae. Naku mawawalan ka ng magandang fiancee."
"Yan naman ang hindi pwede baby. Akin ka lang. You are mine so no one will come between us baby. Huwag ka din magpaagaw baby."
"Oo naman. Faithful naman ako noon pa kaya wala kang alalahanin."
"That's my baby. Kaya mahal na mahal kita eh." Sambit ni Apollo kay Maia na nagpakilig sa dalaga.
"Totoo kaya ang sinasabi mo Vince. Huwag mo akong pakiligin at in the end ay sasaktan mo lang ako. I don't wanna be hurt again the way I am hurt years ago". Sambit ni Maia sa sarili na hindi maisatinig dahil ayaw niyang masira ang magandang mood ni Vince.
"Natahimik ka na baby. May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?"
"Wala naman. Maybe I'm just tired."
"Excited naman ang baby ko na makatabi ako. Nagpaparinig na pagod na eh."
"Loko-loko ka talaga. Pagod lang talaga ako sa byahe natin."
"Baby hindi ka naman mabiro. Alam ko naman na pagod ka talaga."
"Pahinga lang tayo ng kaunti at sobra akong nabusog. Ilang araw pa naman tayo dito kaya madami pang araw na maeexplore natin ang lugar."
"I have a hide out here baby. Papakita ko sayo bukas. For the meantime, I just want you to be near me. I was happy na akin ka na uli. Hindi na kita papakawalan baby. Promise me na kapag nakagawa ako ng kasalanan, bibigyan mo ako ng chance na magpaliwanag baby ha. Huwag mo uli gawin ang pag-alis. Hindi ko na makakaya kapag nangyari na naman yun." Madamdaming sambit ni Vince na hinapit ang dalaga at hinalikan sa noo nito.
"I won't do that again. I won't run from you unless ipagtulakan mo ako palayo sayo."
"Hindi naman ata mangyayari na ipagtulakan kita baby. I am so into you so ano pa ba ang maiisip mo na magagawa ko para layuan mo ako baby."
"When you cheat siguro baby o kaya magsinungaling sa akin."
"Ngayon pa lang I am assuring my faithfulness to you baby. Kahit maghubad ang babae sa harap ko hindi ko papatulan. Unless ikaw nga babaeng yun baby. Mabilis pa sa alas kwarto maghuhubad na din ako."
"Baliw ka talaga. Can we go in our room na baby. I'm so tired."
"Sure baby. Sila na bahala dito sa dinner table na to. Tara na. I know your tired. I wanna hug you while sleeping also baby."
"Sleep lang baby ha. Kakaltukan talaga kita."
"Oo naman. Ayaw kong magalit ka baby. That was the last thing in my mind now. Mahirap na baka hindi mo ako siputin sa kasal natin."
"Depende yun baby. Kapag may malaki kang kasalanan baka nga magawa ko."
"Baby huwag ka magbiro ng ganyan ha. Masamang biro yan. Tara na nga. Kung saan na napupunta ang usapan natin baka magkatotoo pa."
Natatawa naman si Maia sa mukha ni Vince na takot kapag pinag-usapan ang pag-iwan niya dito kapag may ginawang kasalanan.
"Baby hindi naman pananakot yun. It's just a warning kapag gumawa ka ng kalokohan."
"Hindi ko gagawin baby. I want you to be with me forever kaya i will be more careful now. Baka may sumulpot na babae tapos iapapaako sa akin ang ipinagbubuntis nito. Alam mo naman baby na napariwara ang buhay ko ng iwanan mo ako. I bedded girls na parang wala ng bukas so baka may malaman ka na hindi naman totoo. Lagi akong may proteksyon kapag ginagawa ko iyon. Pero matagal na yun baby ha. Hindi na ngayon, ayaw kong may pag-awayan tayo kaya I'm so loyal to you baby. Ikaw lang ang nakatarak dito sa puso ko."
" Ang corny na. Tara na."
"Sige na nga". Sagot naman ni Vince at inakbayan na ang kasintahan na naka hawak naman sa bewang niya
Madadaanan nila ang grupo nila Madel na nag-iinuman. Ang iksi ng short ng dalaga na nagpakita ng magandang hubog ng legs nito. Napataas ang kilay ni Maia dahil tumayo pa ang dalaga at lumapit sa kanila.
"Sir Vince magpapahinga na kayo?" Sama ka muna sa amin. Sambit ni Madel na pinagdiinan pa ang salitang "ka" kaya lalong tumaas nag kilay ni Maia.
Hindi naman mataray si Maia katunayan madami siyang nakakasundo noong nag-aaral pa siya. Pero sa sitwasyon na ngayon parang gusto niyang manabunot ng babae.
The nerve of this girl na landiin ang kasintahan ko. Sambit ni Maia sa isip.
"I'm with my fiancée kaya pass na muna ako sa ganyan. Kaya andito kami to spend time with each other at hindi sa kung sino man. Mauuna na kami. Pagod na ang wife to be ko". Saad ni Vince sa dalaga habang kay Maia nakatingin.
Napansin ni Maia na mukhang maiiyak si Madel kaya hinila na niya si Vince papasok ng rest house.
"Baby tama na yang pagsusuplado mo." Sambit na niya ng lumagpas na sila sa grupo.
"Lumalagpas na kasi ang babaeng iyon. Naging close ko kasi siya kapag andito ako to relax. Maybe she assumes that I like her. Pero hindi ko siya gusto kasi may babaeng nakalaan sa akin at hawak ko ang kamay niya sa ngayon."
Bigla namang nanubig ang mata ni Maia sa sayang nadarama dahil sa mga sinabi ni Vince.