KABANATA 20

1025 Words
"Baby antayin mo ako please". Sigaw ni Vince kay Maia. Naiinis man tumigil si Maia at antayin si Vince na humihingal pang hinahabol siya. "Doon ka na. Sexy naman yun eh. Makatingin ka naman sa babaeng akala mo hindi mo ako kasama". Nagpupuyos na damdaming sambit ni Maia. "Baby naman kakabati lang natin eh pero inaaway mo na naman ako. Hindi ko na tuloy alam kung ano ikikilos ko kasi ayaw ko na magalit sa akin. Please baby, huwag ka naman magalit sa akin. I'm so sorry, masyado lang kasi kami naging close ni Madel kaya ganun siya makitungo sa akin. Magiging bastos naman ako kapag hindi ko kausapin. I am all yours baby. Huwag ka na magalit please". Yumakap na din ito sa dalaga na nakahalukipkip pa rin. Nakokonsensya naman si Maia kaya hinarap niya na din si Vince. "Baby kasi I can't help it. I'm so jealous of that girl. Ang sexy pa niya". "Baby hindi mo ba nakikita ang katawan mo eh mas sexy ka pa dun. Hindi mo nga pa nga lang pinapakita pero para sa akin ikaw ang pinakasexy sa lahat. Hindi naman sila mananalo sa'yo baby kasi ikaw ang pakakasalan ko. Ikaw ang makakasama ko habang buhay. Kung iiyak ka man sa piling ko, iyak yun ng kaligayahan. Kaya please lang baby huwag ka na magalit sa akin". Samo pa nito sa dalaga. Niyakap na lang ito ni Maia ng mahigpit habang umiiyak sa dibdib nito. "Baby niyakap mo nga ako, umiyak ka naman. May mali ba akong sinabi?" Pilit tinataas ni Vince ang mukha ng dalaga at hinahaplos iyon ng may pagsuyo. "I'm just happy na nagkabalikan tayo. I'm just crying because I am happy baby". Saad naman ni Maia at hinalikan na si Vince. Lumayo na sana si Maia pagkatapos halikan si Vince pero niyakap siya uli ng lalaki at hinalikan ng marubdob. "Baby baka may makakita". Nahihiyang sambit nito kay Vince at bahagya itong tinulak. "Wala akong pakialam baby dahil kasama kita". "Maligo na lang tayo baby. Mukhang nag-aanyaya ang dagat oh". Sabay turo sa dagat na payapa. "Oo nga baby. Hindi maalon. Sige maligo na tayo. May dala ka bang pampaligo?" "Suot ko na baby. Huwag ka muna tumingin at huhubarin ko lang t-shirt at short ko. Huwag manilip". "Oo na baby. Akin lang naman yan kaya makikita ko din yan". Pabirong sagot naman ni Vince at tinampal naman ito ni Maia. "Loko-loko ka talaga". Sambit naman ni Maia at hinubad na ang damit at short na siyang suot niya. Maia is wearing a red two piece swimsuit that flaunt her sexy body. May kalakihan ang dibdib niya kaya halos ayaw niya sana suutin ang two piece pero nasa dagat naman sila kaya hindi na siya nahiya. Malaki din ang balakang ng dalaga. Lalo siyang pumuti sa suot niyang pangligo. "Baby pwede na ba ako humarap? Can I see that swim wear?" "Yes baby. Huwag mo akong pagtawanan ha". Paalala pa ni Maia sa kasintahan. Humarap na si Vince sa dalaga na nakayuko pa. Nagulat siya sa suot ng dalaga na talagang bagay sa seksing katawan nito. "Baby naman ako ang mapapaaway sa suot mo eh. Ang sexy mo talaga". Saad ni Vince na biglang uminit ang pakiramdam. "Baby naman, dagat naman ito eh so OK lang na ito suutin ko at kasama naman kita". "Oo nga baby kaso ang sexy masyado. Mag t-shirt ka na lang kaya baby. Parang ayaw ko na maligo. Gusto na kitang ikulong sa kwarto". Pabulong na saad nito sa dalaga na kinapula ng mukha nito. "Ang halay mo baby". Sagot naman ni Maia at kinurot ang kasintahan. "Eh baby naman kasi ang sexy mo talaga". "Tara ligo na tayo at baka ano pa gawin ko sayo". "Senyorito pwede kami sumabay maligo". Sigaw ni Madel kay Vince at may kasama pa itong mga lalaki. "We want to be alone. Sa iba na lang kayo". Sagot naman ni Vince na naiinis sa tingin ng mga lalaki na kasama ni Madel kay Maia. Bigla niyang niyakap si Maia kaya nabigla naman ang dalaga sa kinikilos nito. "Baby bakit?" Pabulong na tanong nito sa lalaki. "Baby kasi ayaw ko ng tingin nila sa katawan mo. Para kang pagkain kung tingnan nila. Tara na sa tubig na tayo baka hindi ako makapagpigil at masapak ko sila". "Pasensya na senyorito, akala ko kasi OK lang na magbonding naman tayo". Parang naiiyak na saad ni Madel. "Pwes I want my fiancee to feel at ease so sana kami na lang muna dito". "Pasensya na po. Sila nga po pala ang mga kababata ko". Pakilala na lang nito sa mga lalaking kasama nito. Hindi naman ito pinansin ni Vince at hinila na si Maia sa tubig. "Baby hindi kaya masyado ka ng harsh kay Madel?" "Baby mabuti na yun kesa naman ikaw ang magalit sa akin. Hindi ko naman kaya kapag ikaw na ang magalit sa akin. Hindi ko na alam gagawin ko nun baby." "Sabagay, subukan mo lang talaga tumingin sa ibang babae at lagot ka talaga sa akin." "Kaya nga eh. Kawawa naman ako talaga. Pero wala naman akong magagawa kasi mahal na mahal kita baby. Halika nga dito." Sambit ni Vince sabay hila kay Maia at hinalikan na ang dalaga. "Baby masyado kang mabilis". Sambit naman ni Maia pero hinalikan din naman si Vince. "Baby thank you for this. Ang saya ko." "Para naman talaga sayo ang pagpunta natin dito baby kaya sulitin na natin. Basta walang away ha. Maawa ka naman sa akin baby." "Masyado ka na baby. Para namang kinakawawa naman kita sa sinabi mong yan. I love you baby. Tandaan mo lagi baby ha." "Oo naman baby. Ikaw din tandaan mo na mahal din kita. At sana wala ka ng gagawin o balak gawin pa lang para magkasira tayo." "Yes po baby. I am so sure that I won't let you cry. Mahal na mahal kita." "Gaano kamahal baby ko?" "Sobrang mahal baby ko. I will never break your heart." Sagot naman ni Vince tiningnan si Maia na puno ng pagmamahal. Sakto naman na papalubog na ang araw kaya sobrang saya ni Maia na pagmasdan iyon kasama ang mahal na kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD