KABANATA 19

1082 Words
Namangha si Maia sa nakitang resort island ni Vince ng nasundo na sila sa yate. "Wow. Ang ganda naman dito baby." "You like it baby?" "Yes. Ang ganda. Magtatagal ba tayo dito? Gusto ko maexplore ang lugar." "Tatlong araw tayo baby. Is it ok with you? May mga aasikasuhin lang kasi ako. Babalik naman tayo for sure." "Thank you for bringing me here." Saad ni Maia sa binata at ikinawit na ang kamay nito sa bewang ni Vince. Pagpasok nila sa loob ng rest house binati sila ng caretaker na si Aling Mely at ang asawa nito na si Mang Domeng. "Kamusta senyorito? Mabuti naman po at nakabalik kayo." "It's my second time to went here baby kaso matagal talaga ako dito namalagi to have a vacation. Para makalanghap ng sariwang hangin." Saad niya sa dalaga kasi mukhang nagtatanong ang tingin nito. "Masaya nga si Madel ng malaman na darating ka iho. May inutos lang ako kaya wala siya dito." Biglang napataas ng kilay si Maia sa narinig. Fiancée na siya ni Vince kaya naiinis na siya kapag may babaeng napapaugnay dito. "Baby that was their daughter. Naging kaibigan ko dito." Pag-aamo ni Vince sa dalaga. "Siguraduhin mo lang. Hmmph." Pagsusuplada na Maia na kinatuwa naman ni Vince kasi alam niyang mahal siya ng dalaga. "Baby ikaw lang ang laman nito forever." Sambit ni Vince pagkatapos kintalan ng mabilis na halik sa labi na kinatigil ng paglapit ni Madel sa kanila. "Aling Mely, Mang Domeng. Ang mapapangasawa ko po. Ang pinakamamahal kong babae noon at ngayon at syempre sa hinaharap, si Maia po." "Mabuti naman at sumama ka iha." Saad na lang ni Aling Mely na may tono ng panghihinayang na nahimigan si Maia at mukhang gusto nito si Vince para sa anak. "Ikinagagalak ko po kayong makilala. Mabuti po at sumama ako sa kasintahan ko para makita po ang lugar na ito." Pinagdiinan ni Maia ang salitang "kasintahan" para malaman nila na hindi pwedeng ireto ang anak nila dito. "Welcome ka dito senyorita." Nahihiyang sagot naman ni Aling Mely. "Salamat po." "Kain na tayo baby baka maaway mo agad ako. I want this short vacation to be memorable." Sambit ni Vince. Nagpatianod na lang si Maia ng hilahin siya ni Vince papuntang hapag kainan. Madaming nakahain sa mesa ng dumulog ang magkasintahan. Merong inihaw na malalaking isda na may nakahain na ring sawsawan para dito, pritong itlog, tortang talong, buttered shrimp, pusit, at iba pang seafoods na nagpatakam kay Maia. "Ang dami naman nito baby. " "I want the best for you baby. Masarap talaga ang mga pinahanda ko para sayo." "Salamat baby. Kain na tayo para malibot na natin ang resort." Nagkamay lang ang magkasintahan para namnamin ang mga pagkain na nakahain. "Senyorito mabuti po at nakabalik na kayo." Saad ng isang malamyos na boses na nagpatigil sa pagsubo ni Maia. "Madel ikaw pala yan. Si Maia nga pala kasintahan ko at mapapangasawa ko na din." Sambit naman ni Vince at ginagap ang kamay ng kasintahan na mukhang naiinis. Ayaw niyang maging dahilan pa si Madel ng hindi nila pagkakaunawaan. "Kamusta senyorita. Sana po magustuhan ninyo ang pagpunta dito." "Salamat. Masaya ako na isinama ako ng boyfriend ko dito at baka malingat ako, may iba na palang kumakalantari." Naiinis na saad naman ni Maia. Lumapit na si Vince sa nobya para hindi na ito mainis sa presensya ni Madel. "May gagawin pa po ako senyorito. Maiwan ko na po kayo." "Mabuti naman." Bulong ni Maia na hindi nakaligtas sa pandinig ni Vince. "Baby huwag mo na lang pansinin yun. Ikaw naman ang kasama ko at hindi siya eh. Hayaan mo na siya. Wala naman akong gusto sa kanya. Mabait naman yun baby." "So mataray ako?" Pairap na sambit ni Maia at tumayo na para maghugas ng kamay. Naiinis siya sa pagtatanggol nito sa dalaga. "Baby naman eh. Hindi naman ganun ang ibig ko sabihin." Malumanay na sagot ni Vince at sinundan ang dalaga. Yumakap na siya dito simula sa likod ng makapaghugas na din siya ng kamay. "Nakakainis ka kasi." Sumisinghot na sambit ni Maia na lalong nagpakonsensya sa sinabi ni Vince dito. "Baby don't get me wrong. Hindi ko naman siya pinagtatanggol. I'm so sorry baby. Nawalan ka tuloy ng gana. I'm sorry." "I'm sorry too baby. I'm just jealous." "I know baby and I like it. Huwag lang masyado sobra baby ha. Pinapakaba mo ako eh. Baka bigla mo na lang ako iwanan. Ayaw ko na maramdaman ang araw na iniwan mo ako dati. I'm so scared when you left me that day. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag maulit yun baby. Bati na tayo please." Paglalambing niya sa dalaga na naiiyak na. " Ok baby. I'm sorry." Sambit naman ni Maia at yumakap na kay Vince. "Bihis na tayo baby. Lilibutin pa natin ang resort." Yaya na ni Vince kay Maia na nakangiti na kaya nilalambing na niya ito ng sobra. Isang short na maiksi at sleeves ang sinuot ni Maia para komportable siya sa paglilibot nila. Ayaw pa sana ni Vince na yun ang isuot ng dalaga kasi makikita ang kurba ng katawan ng dalaga pero wala na siyang magagawa at baka magtampo na naman sa kanya ito. "Tara na babe." Yaya na niya kay Maia at pinaghugpong ang kanilang kamay. Masayang tinahak ng magkasintahan ang front beach. Tinanggal pa ni Maia ang suot na tsinelas para madama ang buhangin na dinadaan. "Salamat talaga baby for this experience. I dreamed of having an island. Suntok sa buwan kasi I'm not that rich to afford this one." "Hindi na yun pangarap baby. Natupad na. Meron na tayo. Hindi mo naman ako iiwan uli baby diba?" "Ano bang tanong yan baby. Syempre hindi iiwan. Unless may gawin kang hindi maganda o may malaman ako na hindi mo sinasabi sa akin." "Wala naman akong tinatago baby. I promise." Saad na lang ni Vince sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit. "Sana nga baby, sana nga." Piping dalangin naman ni Maia habang yakap si Vince. "Senyorito saan ang punta ninyo?" Tanong ni Madel sa kanila ni Maia ng masalubong nila ito. Mukhang kakaahon lang nito sa dagat dahil nakasuot ito ng 2piece na lalong nagpakita ng kaseksihan nito. Hindi na masyadong tiningnan ni Vince si Madel at biglang tinanggal ni Maia ang pagkahugpong ng kanilang kamay at iniwan siya. "I'm sorry Madel. Iwanan na kita." Nagagalit na ang asawa ko at baka outside de kulambo ako mamaya. Sambit na lang nito sa dalaga at hinabol na si Maia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD