Kumain na muna ng salad si Maia pagkatapos niya magbihis ng pantulog. Isang oversized t-shirt ang nakita niya at pajama para komportable siya matulog.
"Baby ok na sayo ang salad?"
"Actually ayaw ko na sana kumain pero nakita ko na meron nito kaya natakam ako." Tukoy ni Maia sa salad na kinakain.
"Ok. I will take a shower baby." Sambit niya sa dalaga at kinitalan ito ng masuyong halik sa pisngi bago pumunta sa banyo.
Namula naman si Maia sa halik na ginawad ni Vince sa kanya.
"Maia halik lang sa pisngi yun, paano na lang kapag more than kiss pa baka ano na maramdaman mo." Saway nito sa sarili.
Natutuwa lang si Maia at nagiging maganda na uli ang relasyon nila ni Vince. Gusto na muna niyang namnamin ang pagkakataon na gaya nito. Ang makasama ang binata na walang iniisip. Saka na lamang niya iisipin ang mga nangyari ng nakaraan. Gusto na muna niyang makasama ang binata na walang pangamba.
"Baby tulala ka na ata. May iniisip ka ba?" Bungad ni Vince sa kanya na hindi niya namalayang nakalapit na pala.
Nakasuot ito ng pajama at sando na hakab sa katawan nito.
"You like the view baby."
"Heh, akala mo naman ang macho mo." Nakangiting biro ni Maia dito.
"If I know naglalaway ka na sa katawan ko baby." Biro din ng binata sa kanya.
"Masyado ka namang bilib sa sarili mo baby."
"So I'm not attractive baby?" Nagtatampong tanong ni Vince habang lumalapit sa dalaga.
"Asus, tampo agad. I was just kidding baby.
Oo naman ang macho mo. Kaya nga ang daming nagkakagusto sayo eh."
"Hindi naman ako papatol sa mga yun. Ikaw lang ang laman nito." Tinuro pa ni Vince ang puso nito na nagpakilig kay Maia.
"Bolero talaga."
"Hindi kita binobola baby. I am telling the truth. I will be your husband soon and I intend to be yours forever. That's a promise." Itinaas pa nito ang kamay bilang panunumpa.
"O siya naniniwala na ako. Can we rest now baby? Malapit na siguro tayo sa resort."
"Mga 3 hours na lang baby. Medyo dulo na kasi ang Island resort ko kasi private island yun."
"Ok baby. Pahinga na tayo." Yaya niya sa binata.
"Gusto mo na talaga ako masolo baby ha. Lagot ka sa akin mamaya."
"Subukan mo lang baby. Matitikman mo ito." Pinakita ni Maia ang kamao sa binata.
"Joke lang baby. Ikaw naman. Yakap lang naman eh. Tska madaming halik sapat na sa akin."
"Siguraduhin mo lang baby."
"Takot ko lang sayo baby ko. Tara na. I can't wait to hug you while sleeping baby ko."
Nagsepilyo na ang dalaga bago humiga sa kama na tutulugan nila ng binata."
Niyakap na siya nito bago kintalan ng masuyong halik.
" Good night my baby. I love you. "
"Good night too baby. Salamat sa surprise na ito. I love you too." Sagot naman ni Maia.
"Para sayo baby ko."
Ngiti ang naisagot ni Maia bago niya ipinikit ang mga mata at nagsumiksik sa leeg ni Vince.
Nagising si Maia sa pagyakap ni Vince at masuyong paghalik sa leeg niya.
"Baby masyado na ang paghalik mo. Baka maubos leeg ko."
"Baby hindi mauubos yan. Akin lang ang leeg na yan ha. Hmmmm."
"Oo na. Behave baby." Saway nito sa binata dahil tinatablan na siya sa ginagawa nito at baka bumigay na siya. Hindi pa siya ready sa ngayon.
"Sorry baby. I can't help it." Sagot naman ng binata at niyakap na lang siya ng mahigpit. Hinalikan din nito ang tuktok ng ulo niya.
"It's ok baby. I'm not ready yet. Ako na ang lalapit kapag ready na ako." Saad na lang niya sa binata bago siya yumakap din dito.
Mahimbing pa din ang tulog ni Maia ng makarating sila sa Island resort ni Vince kaya hindi na muna siya ginising nito.
Nagising si Maia na may humahalik sa leeg niya.
" Baby ang aga namang paghaharot yan." Saway niya dito.
"I can't help it baby. You smell so good, I can't get enough of your scent."
"Baby naman amoy panis na laway na ako. Hindi pa ako nakapag tooth brush."
"No your not."
"Tumigil ka baby. I'll just go to bathroom." Paalam muna niya sa binata at nahihiya na talaga siya sa morning breath niya.
"Totoo naman baby eh. Hinalikan pa nga kita kanina pero ang bango pa rin."
"Ikaw talaga tulog ako pero nanamantala ka naman."
"Baby kiss lang naman yun. I respect you baby ko."
"Magbabanyo lang ako baby. Andito na ba tayo?"
"Oo baby kanina pa. I just want you to rest more kaya hindi na muna kita ginising. Andun na din ang gamit natin sa rest house. Yung kapitan ng yate andun na din sila. Tatawagan ko na lang kapag papasundo na tayo ng motor banca."
"Magbibihis na lang ako baby para makapunta na tayo doon. May pagkain na ba doon baby. I'm starving na."
"Yes baby. May katiwala naman ako doon kaya handa na ang lahat."
"I will be quick." Paalam niya sa binata at nagkumahog na siya sa pagpunta sa banyo.
"Take your time baby. Hindi naman aalis ang resort." Natatawang saad ni Vince dahil sa nakitang pagmamadali ni Maia.
"Nakakahiya kasi sa mga kasama natin andito pa tayo."
"Ok lang yun. Naintindihan naman nila. I want to spend time with you alone kaya nauna na sila." Sagot ni Vince na ang tinutukoy ang kapitan ng yate niya at ang pahinante nito. Marunong naman siya magpatakbo ng yate pero mas gusto niyang makapiling ang dalaga kaya dinala na niya ang kasa-kasama niya lagi sa paglalayag na kaibigan niya din.
Lumabas na din agad si Maia ng makabihis ng sleeveless at short na lalong nagpakita ng magandang hubog ng kanyang katawan.
"Baby pwede ba magpajama ka na lang uli at t-shirt?"
"Baby nasa beach tayo. Hindi naman tayo matutulog. Ok naman itong damit ko ah."
"Baby masyadong sexy eh. Ako lang dapat makakita niyang kaseksihan mo."
"Naku pagtatalunan ba natin tong suot ko. Tara na baby. I'm all yours ok. Huwag ka ng magsuplado diyan." Saad ng dalaga dito at kinawit ang kamay sa batok ng binata at hinalikan ito ng mabilis sa labi.
Hinabol naman ni Vince ang labi ni Maia ng hinalikan siya nito ng mabilisan. Masuyo niya itong hinalikan.
" Sige na nga. Basta huwag lang lalayo sa tabi ko baby. Akin lang yang katawan na yan ha."
"Oo na po. Sayong-sayo na. Baba na tayo baby. Pasundo ka na. Gutom na ako."
"Parating na baby. Nakatawag na ako. Ayan na nga." Sabay turo nito sa bangkang de motor na sumundo sa kanila.