ROHAN "May date si Iya sa guy best friend niya." Napahinto ako sa pag-inom ng tubig at binalingan nang masamang tingin ang kaibigan ko. Hindi na nga maganda ang gising ko ngayon ay lalo pang pasasamain ni Desmond ang umaga ko dahil sa ibinalita niyang iyon. "How did you know?" kunwaring inosente, pero kitang-kita naman ang pagkaaliw at pang-aasar ng mga mata ni Yllak. Isa pa 'yan, eh. Panira silang dalawa ng bawat araw ko. Tsk. "I texted Ivory's twin brother. Kinukumusta ko si Iya on behalf of our friend. At nasabi nga niyang may date sila mamayang hapon." "Oh? Saan daw?" "Same place where they had their first date. Sa Mcdo sa BGC." Humigpit ang hawak ko sa baso at mariing ibinagsak iyon sa mesa. That same f*cking McDonalds kung saan ko sila unang nakitang nag-date ng Baldevia guy

