IYA "Magkikita lang kayo ng gago mong ex, nagpapaganda ka pa para sa kanya." Nilingon ko ang nagsalitang iyon at sinamaan ng tingin. "Hindi ako nagpapaganda para sa kanya, ogre. I just wanted to look presentable enough." At napanguso ako. "Ayokong isipin ni Brent na naging fiancé ko lang si Rohan ay pumangit na ako. Insulto iyon sa parte ni gorgeous neighbor, aba! Gusto kong isipin niya na gumanda ako nang maghiwalay kami. At gusto kong isipin niya na mas gumanda ako nang mapunta ako kay Rohan. Tsk." "Ah." Mas sumama ang tingin ko kay Ivo. "Pang-asar 'yang ah mo." Hindi ko alam kung sumasang-ayon ba siya sa sinabi ko o wala lang talaga siyang masabi sa ganda ko. Tsk. Muli akong tumingin sa salamin at bahagyang itinaas ang blouse ko para silipin ang tiyan ko. "Hindi pa naman ako mukhan

