PAGKAPARADA ng sasakyan sa garahe ng bahay ay mabilis siyang bumaba ng kotse. Mabilis na nakaagpay si Sed. Patuloy ang pagpapaliwansg nito habang papasok sila ng bahay. "Eliza told me that she's in the hospital. I guess it's not the right time na mapag-usapan namin ang tungkol sa nakaraan. Pero kailangan kong klaruhin ang lahat para hindi na tayo mag-away. Iyon na ang huling pag-uusap namin. Nasabi ko na sa kanya na hindi ko na siya mahal. Na ikaw na ang mahal ko. Habang nasa biyahe tayo ay binibilang ko mentally kung..." Nag-aalinlangang tumingin ito sa kanya. "Go ahead," aniya. "Kung... Umabot na ba ng siyam na buwan ng huli kaming magkasama. I am not sure then. But when I saw her baby, kamukhang-kamukha ni Peter. The baby is not mine." Parang nabawasan ang tinik niya sa dibdib ng ma

