"AKO na ang maghahatid kay Philip sa school," pagpiprisinta ni Sed. Dumalaw siya sa kanyang mag-ina dahil miss na miss na niya ang mga ito. Malungkot ang bahay kung wala ang kanyang mag-ina. Malungkot kung hindi niya naririnig ang tawa ng anak niyang si Philip. Malungkot kung hindi niya matitikman tuwing umaga ang mga luto ng asawa. "No need. May sariling bus ang eskuwelahan. Nakalimutan mo na ba?" Tanong ni Celine. Ilang taon na ba niyang hindi kapiling sa bahay sina Celine at Philip? Nag-aaral na ngayon sa kindergarten ang anak niya. Ipinilig niya ang ulo. Ayaw na niyang bilangin dahil masasaktan lang siya. Muli niyang naalala ang sinabi ni Celine years ago na tuluyang nagpawi sa natitirang pag-asa niya. "Siguro pagdating ng araw makakalimot din ako at matutong magpatawad. Maybe when
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


