PHIL POINT OF VIEW "Hindi mo pwedeng gawin 'yon sa anak mo." Inis na pakikipagtalo ni Harry nang tawagin na si Margaret sa loob. "Well, nagawa ko na," mayabang niyang sagot sabay tapik sa balikat ni Harry. Nagpamulsa siyang lumapit sa amin na ngingiti-ngiti. "Diana." Madiin na ang tono niya kaya tumayo na ko. "Baby, hayaan mo lang siya." Mabilis na hawak niya sa akin. Kinambatan niya kong maupo ulit at hinayaan si Harry na sobra na ang inis. "Natatandaan na kita, Harry. Kaya kahit anong sabihin mo. Hindi na kita paniniwalaan." Seryoso niyang baling. Hindi namin maiwasang tingnan ang itsura niya. Gusto niyang ngumiti pero nanginginig na ang pisngi niya sa galit. Dinuro niya nang may pagbabanta si Diana at saka nag-walk out. "Ikaw? Ano pa bang ginagawa mo dito?" masungit niyang tanong

