DIANA POINT OF VIEW "Anong meron? Bakit bigla kayong tumahimik?" taka kong tanong nang bumalik ako galing sa banyo. Tinignan ko si Phillip na nagkibit balikat lang at inalalayan akong maupo ulit sa katabi niyang pwesto. Nandito kami ngayon sa Philie's restaurant. Nagpresinta silang lahat na tumulong sa amin sa pag-aayos ng kasal. Dito na rin sa restaurant namin naisipang ganapin ang magiging reception after sa church. "Babawi raw next week si Ella," abalang sabi ni Cindy habang nakatingin sa cellphone niya. "Ayos lang kamo," nakangiti kong sabi at pasimpleng humigop ng juice habang sinusulyapan sila. Kanina pa sila tinginan nang tinginan sa isa't isa na para bang may alam sila na hindi ko alam. "Nga pala, baby, bukas dadaanan ko si Mrs. Fiona para sa napili kong gown at suit mo."

