PHIL POINT OF VIEW "Ayos ka lang, Phil?" "Hindi niya man lang ako hinintay," tulala kong sabi sabay buntong hininga ulit. Inis akong humalukipkip at bumaling sa bintana ng sasakyan ni Xander. FLASHBACK "Ginagawa ko 'to para sa mga anak natin. Hindi ako mahina, Phillip. Mali siya ng tinutukang mga bata." END OF FLASHBACK Hindi maalis sa isip ko ang galit sa mga mata niya habang nagsasalita siya. Matinding galit na noon ko lang nakita. "Hindi ba tatlong linggo na lang bago ang kasal niyo? Tuloy pa ba 'yon?" Napatingin ako kay Xander dahil sa tanong niya. "Natanong ko lang naman. Mukhang wala pa kasi kayong naaayos," sagot niya sa titig ko. Bumuntong hininga ulit ako at muling bumaling sa bintana. "Hindi niyo naman kailangang madaliin ang kasal. Dapat siguro tapusin niyo muna 'yung p

