DIANA POINT OF VIEW Kabado kong naka-akma ng katok sa pinto ng bago nilang tinitirhan. Gusto kong umatras dahil ayokong mapahiya at ipagtabuyan niya ulit. Bumuga ko ng hangin at lakas loob na kumatok. "Ayan na!" sigaw ng isang babae mula sa loob. Napaatras ako at muling napatingin sa cellphone ko dahil hindi pamilyar ang boses ng babae na 'yon. Nakangiti siyang nagbukas ng pinto at titingin-tingin lang sa akin. "Anong kailangan mo? Kung may iaalok kang promotion. Major passed agad ako, ah," bibo niyang sabi na ikinangiti ko at bahagyang sumilip sa loob. "Ahm, sorry, mali yata ako ng kinatok na pinto," mahinhin kong sagot. "Sino bang hanap mo? Baka kilala ko." Mukhang mabait siya kaya naman hindi na ko nahiya. "Hinahanap ko kasi 'yung bahay ni Berry Ramirez." "Berry Ramirez?" taas

