PHIL POINT OF VIEW "Ano bang masama kung gusto ko silang makausap?" inis na inis ko ng tanong. Kanina pa kami dito pero walang makausap na matino. "Pinatay mo ang anak nila. Malamang ayaw ka nilang kausapin. Sa korte na lang kayo magharap," mayabang na saad ng pulis. Hinawakan agad ako ni Xander nang akmang papatulan ko na sana 'to. "Kami na lang ang pupunta. Makikiusap kami na 'wag munang manggulo kahit bukas lang," bulong ni Sean. Napatakip na ko ng mga mata ko habang kabado kong ginagalaw ang binti ko. Biglaan akong tumayo na ikinagulat nilang lahat. Hindi pwedeng masira ang kasal namin bukas kaya naman kahit anong mangyari. Pupuntahan ko na sila ngayon. Gano'n na rin naman. Pumunta man ako o hindi, may posibilidad pa ring guluhin nila kami bukas. "Saan ka pupunta?" Habol nila

