PHIL POINT OF VIEW "Bakit kanina kapa nakanguso diyan? Kapag ikaw nahipan ng masamang hangin. Magiging bibe kana talaga," biro ko at lalo naman siyang ngumuso habang nakasama na ng tingin sa akin. "Bakit kasi daddy pumayag-payag ka pang dito 'yan tumira..." mahina niyang pagmumuryot na mahina ko na lang na tinawanan. "Tapos tatawa-tawa ka pa, daddy." "Baby ko, isang linggo lang naman," malambing kong sagot habang lumuluhod sa tabi niya. "Eh, ayoko nga sa kanya. Lahat na lang inaagaw niya sa akin." "Philie..." Napalingon kami kay Diana. Tumakbo agad si Philie sa loob ng bahay dahil sa sobrang pagtatampo sa kanya. "Mommy!" sigaw ni Margaret na galing sa playground. Siya ang kalaro ngayon nina Prince at Princess dahil ayaw makisali ni Philie. Kahapon pa siya gano'n. Laging nakatalim an

