DIANA POINT OF VIEW Nakangiti akong nakatitig sa kanilang dalawa. Kanina pa ko kumukuha ng pictures nila nang hindi nila nalalaman. Ang cute ni Phillip sa suot niyang pang-ballerina. Tinatawanan din siya ng ibang mga magulang dahil parang siya ang anak sa kanilang dalawa ni Philie. "Daddy, mali!" kunsumidong sigaw ng isa at muling pinakita sa daddy niya ang tamang pagtingkad. Mukhang ako lang itong nag-iisip ng kung ano-ano. Sa itsura nila ngayon ay mukha ngang nage-enjoy pa silang dalawa. "Mommy!!" sigaw ni Margaret na mabilis na pumawi ng masaya kong ngiti sa labi. Napatingin agad ang mag-ama ko at mabilis ding tumakbo si Philie palapit sa akin. "Mommy ko 'yan!" malditang sigaw ni Philie at hinarang ang isang kamay sa dibdib ni Margaret. "Philie." Inis kong tinignan si Harry dahi

