CHAPTER 8
Abigail's POV
Alam ko nag-uumaga na dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana.
Hanggang ngayon hindi ko maiwasan ang umiyak. Nakadapa lang ako dito sa kama habang umiiyak. Alam ko namamaga na yung mga mata ko, pero wala akong pakialam.
Narinig ko na bumukas ang pinto. Kaya napaangat ako ng tingin, isang matandang babae ang bumungad sakin nakasuot ito ng uniform ng pangkatulong. May kasama siyang isang babae na ganon din ang suot.
"Magandang umaga hija, ako ang mayordona dito sa mansion na ito, pwede mo akong tawagin nanay o manang miranda." Sabi niya
Napansin ko na may hawak siyang pagkain samantalang ang kasama niya may hawak na towel at damit.
"Ito naman si Eva." Pagpapakilala nito sa kasama niya.
"Inutusan kami ni denver na dalhin ka ng pagkain dito saka masusuot." Sabi ni nanay. Inilapag niya ang pagkain at damit sa side table ng kama.
Tatayo na sana ako pero hindi ko kaya dahil nanlalambot ako kaya natumba ako.
"Anak, kaya mo ba?" Tanong ni nanay.
Napaiyak naman ako at umiling, siguro dahil hindi pa ako kumakain simula kahapon.
"Eva, tulungan natin si abigail papuntang banyo." Sabi ni nanay.
"Opo nay." Sabi ni eva at dali-daling lumapit samin at inalalayan nila ako papuntang banyo.
"Eva, paliguan mo siya mukhang hindi niya pa kaya." Sabi ni nanay kaya tumango naman si eva.
Bago umalis si nanay may sinabi siya at ngumiti.
"Alam ko galit ka kay denver anak, pero sana wag kang lamunin ng galit at sana mapatawad mo siya." Sabi niya saka lumabas.
Naguguluhan ako sa sinabi niya. Gaya ng sabi ni manang pinaliguan ako ni eva. Siya rin ang nagbihis sakin. Kahit nakakahiya man pero wala na akong nagawa.
"Lalabas na po ako Ma'am." Pagpapaalam ni eva.
"Maraming salamat eva." Nakangiting sabi ko sakanya.
Napatingin naman ako sa pagkain, bigla naman tumunog yung tyan ko kaya umupo na ako at kumain.
Isang puting dress ang sinuot sakin ni eva dahil wala naman pagpipilian.
Pagkatapos kong kumain, tumingin muna ako sa salamin, namamaga ang mga mata ko dahil sa pagiyak.
Napatingin naman ako sa pintuan dahil bumukas iyon. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Dumako ang mga mata ko sa mata niya, sinalubong ko iyon. Iniwasan ko kaagad ang mga tingin niya na parang may ipinahihiwatid. Saka nalang bumalik ang galit na nararamdan ko ng sumagi sa isip ko ang ginawa niyang paggahasa sakin.
Dahil sa sobrang galit ko bigla kong hinagis yung vase na malapit sakin dahilan para mabasag iyon. Kinuha ko yung kapirasong basag. Meron sa isip ko na gusto ko na siyang mamatay para mapagbayaran niya ang nangyari sa akin.
Nanginginig ang kamay ko habang hawak yung bubog. Saka itinutok sakanya. Parang wala lang sakanya kung saktan ko siya, ito lang yung tanging paraan para makatakas ako.