CHAPTER 18
Abigail's POV
"May masakit pa ba yung noo mo? Sabihin mo lang." Nagalalang sabi niya.
"Hindi na masyado." Sagot ko. Napangiti ako ng palihim, bakas parin ang pag-aalala niya saken. Ngayon ko lang ulit naramdaman ito na may nagpapahalaga sakin.
Sinusubukan kong tumayo at buti nakaya ko na, hindi katulad kahapon. "Where are you going?" Tanong niya.
"Cr lang." Maikling sagot ko, pero huntik na akong nasubsob dahil nanlalambot ako at masakit pa yung ulo ko. Napikit ako ng mariin.
Nagulat nalang ako ng umangat ako sa ere binuhat pala ako ni denver.
"Ibaba mo ako denver."
"No, you can't. Let me carry you." Sagot niya kaya wala na akong nagawa. Naglakad na siya papuntang cr habang buhat ako hanggang sa makarating kami sa cr. Dahan-dahan niya akong binaba.
"If you need anything just call me." Sabi niya at lumabas ng cr at sinara ang pintuan.
Pagkalabas ko ng cr ay nakita ko siyang nakahiga sa kama at nakapikit mukhang tulog siya. Kaya dahan-dahan akong naglakad para hindi ako maglikha ng ingay.
Pinagmasdan ko siya, napakaperperkto ng mukha niya at inaamin ko na napakagwapo niya talaga. Hindi ko maiwasan haplosin ang mukha niya.
Narinig ko naman bumukas yung pinto at nakita ko si nanay. Ngumiti ito.
"Pagod na pagod si denver anak." Sabi niya kaya napakunot noo naman ako.
"Bakit po nay?" Tanong ko.
"Buong maghapon siya yung nag-alaga sayo dahil sa nakatulog ka ulit." Paliwanag ni nanay.
"P-po?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo abigail, siya ang nag-alaga sayo. Si denver naman ay hindi na pumapasok sa kanyang trabaho dahil sa pagaalaga sayo." Kwento niya.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay nanay. Binantayan pala ako ni denver, bigla akong napangiti.
"Mahal mo na ba siya anak?" Tanong nito. Umupo ako sa tabi ni denver at tinitigan ito na may ngiti sa aking labi habang hinahaplos ang kanyang mukha.
"Hindi ko naman po maiwasan na mahulog sakanya kahit na pinagtutulakan ko siya noon, inaamin ko po nay mahal ko na po siya." Pagaamin ko.
"Ang lahat ng nasa mansion na to alam na asawa ka ni denver at alam nila na ikinasal kayo kahit hindi naman. Ako lang ang nakakaalam ng tunay na nangyari sainyo."
Kung ganon ay alam pala niya yung totoo. Lumapit ito at hinawakan ang kamay ko.