Abigail's POV
Wala siguro siya. Alam ko umalis na siya dahil pinagpaalam niya na aalis siya. Eto na yung oras para tumakas ako dito.
Tumakbo ako papuntang pintuan para buksan, salamat dahil nakabukas iyon kundi baka stock ako dito ng ilan araw. Patakbo akong bumaba saka pumunta ng entrance ng condominium. Saka sumakay ng taxi pauwi sa bahay.
Salamat naman dahil makakauwi na ako. Baka nagaaalala na sila sakin. Dahil kilala ko yung magulang ko mag-aalala sila habang hindi pa ako umuuwi. Buti nalaman ko na nasa unit niya ako ikinulong dahil noong pagkabukas ko sa kortina ng glass window tumambad sakin halos building lahat.
"Manong para po." Sabi ko saka ibinigay yung bayad ko. Nagpababa ako medyo malayo sa bahay namin dahil baka manghinala sila papa sakin.
Bumaba na ako saka naglakad papauwi ng bahay. Habang naglalakad ako nararamdaman ko na may sumusunod sakin kaya binilisan ko yung paglalakad ko na halos ikatakbo ko na para lang hindi ako maabutan.
Nagsimula nanaman kabahan ang sistema ko dahil sa kaba at takot. Dahil gabi na, kailangan kong makauwi sa bahay.
Hindi ko namalayan na nahabol niya ako pero nagpupumiglas ako dahil sa takot na nararamdaman ko, pero napatumba ako at binuhat niya ako na parang isang sako sa kanyang balikat. s**t! Not again.
Naramdaman ko nalang na naglalakad na ito habang karga-karga ako. Hindi ko magawang magpumiglas dahil sa ginawa niya na pagpalo sa pang-upo ko.
"Ouch." Daing na sabi ko.
Nagtungo ito sa kulay white na kotse at isinakay ako sa pasengger seat. Tapos umikot ito sa driver seat. Tinitigan niya ako ng napakaseryoso baka isang galaw ko lang magagalit na to.
"Don't you dare abigail." May diin na sabi nito.
Napabugtong hininga nalang ako at tahimik na tumingin sa bintana hanggang sa nakarating kami sa mansion pero hindi ito yung pinagdalhan sakin. Siguro dito siya nakatira sabi ng isip ko.
Bumaba ito at tumungo sa pwesto ko saka niya lang ako binuhat na parang sako sa kanyang balikat. Paakyat ng hagdan. Again? Aurrgghh!
"Please, Mr. Whoever you are put me down."
"No." Sagot nito at dinala niya ako isa sa mga silid na nandito.
Ibinaba na niya ako at tinitigan niya ako ng maigi saka niya ako biglaan na hinalikan, una natigilan ako sa ginawa niyang paghalik hanggang sa narealize ko na kung ano ang ginawa niya kaya tinulak ko ito. Pero lumapit parin ito kaya napaatras ako.
"H-huwag kang lalapit!" Natatakot na sabi ko. Hinawakan niya yung magkabilang braso ko.
"Let me go!" Pasigaw na sabi ko at nagpupumiglas. Akala ko wala ng mangyayaring ganito pero akala ko lang pala to.