Abigail's POV
Bigla niya akong itinulak dahilan para mapahiga ako sa kama, babangon na sana ako pero pumaibabaw ito sakin at saka ako hinalikan.
Mahigpit niya akong hinawakan sa magkabilang kamay, pero wala akong magawa kundi ang umiyak lang ng umiyak.
Biglang pumasok na isip ko na baka hindi ko na makita ang pamilya ko, hindi ko matutupad ang mga pangarap ko sa buhay. Baka hanggang dito nalang talaga ako, baka pagkatapos niya akong babuyin patayin niya ako.
Nararamdaman ko yung kamay niya sa bawat parte ng katawan ko. Nandidiri ako sa ginagawa ng lalaking ito sa katawan ko, kung may lakas lang akong lumaban hindi sana ito mangyayari sakin.
"Ahhhhh!" Sigaw ko at mas lalo akong napaiyak at napasigaw ng maramdaman kong ipinasok niya ang p*********i niya.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko sa ibaba ko. Pakiramdam ko parang may pumupunit sa ibabang bahagi ng katawan ko. Nawawalan ako ng hininga dahil sa ginagawa nito sakin.
Ramdam na ramdam ko ang paggalaw niya sa ibabaw ko, wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Wala na.
-
Nagising nalang ako at madaling araw na. May nakapalupot na braso sa bewang ko.
Hindi ko siya makita sa mukha dahil nakapikit ito at natutulog.
Dahan-dahan ko nalang inalis ang braso niya na nakapalupot sa bewang ko. Nagtagumpay naman ako. Pasalamat nalang ako dahil hindi ito nagising.
Bumaba ako ng kama saka ko kinuha yung mga damit ko sa sahig.
Habang nagbibihis ako, di ko maiwasan ang hindi umiyak dahil sa ginawa nung lalaki sakin.
Ramdam ko parin ang sakit sa parte ng ibaba ko. Wala na ang pinakainiingatan ko.
Tulala lamang ako habang naglalakad pauwi ng bahay. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng iba. Ang gusto ko lang makapagpahinga. Dahil pakiramdam ko pagod ako.
"Abigail!" Tawag ni manag rosa pagkauwi ko sa bahay.
"Ano bang nangyari sayong bata ka! Saan ka nanggaling? Saka bakit ganyan ang itsura mo gusot-gusot pa ang damit mo, umalis ka ng bahay na maayos ang damit ko di ba?" Dagdag niya. Hindi na lang ako sumagot saka umakyat sa kwarto at natulog.