CHAPTER 6

293 Words
Abigail's POV Pagkagising ko naligo ako at nagbihis. Ayoko ng suotin yung damit na yun. Naaalala ko lang yung ginawa niya sa katawan ko. Nag-impake narin ako ng konting damit ko dahil kailangan ko munang lumayo dito kahit ngayon lang. Nakablack leggings, white croptop, black cap at black bagpack lang ang suot ko. Bumaba na ako, nadatnan ko si manang rosa na naglilinis ng kusina. "Manang sina mama po?" Tanong ko. "Nasa business trip sila ng papa mo gail." Sabi niya. "Ganon po ba, may pagkain na po ba?" Tanong ko "May noodles dyan sa mesa. Mainit pa dahil kakaluto ko palang kanina." Sagot niya. Umupo na ako saka kumain dahil kailangan ko munang umalis, Dapat walang makaalam sa nanyari sakin kahapon. Nagpaalam na ako kay manang na aalis muna ako. Sumakay na ako ng taxi saka sinabi kung saan ko pupunta. Hindi ko na muna ginamit yung kotse ko dahil sa tinatamad pa akong magmaneho. Habang nasa byahe kami, parang may sumusunod na itim na kotse. Parang alam ko ito. Napabugtong hininga ako. Parang alam ko nanaman yung mangyayari ngayon. Bigla naman nagover take yung van na ngayon ay huminto sa harapan kung saan ako nakasakay. Bali napahinto rin kami. Bumaba bigla yung apat na lalaki, sila nanaman, dahil sila ang kumuha sakin noon sa park. Lumapit sila dito. Parang alam ko na. Nagmadali akong nagbayad sa driver saka patakbong bumaba. Habang tumatakbo ako hinahabol nila ako, dahil mabilis silang tumakbo nahabol nila ako. Nagpupumiglas ako. Takot nanaman ang nararamdaman ko. "S-saan niyo ako dadalhin?!" Takot na tanong ko sakanila. "Kailangan lang ma'am. Pasensiya na." "Please not again." Pagmamakaawa ko sakanila. Parang wala naman silang narinig sa sinabi ko at bigla nilang tinakpan ang ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD