Hazel’s Pov NAGISING ako ng maaga at nakatitig lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama. Actually hindi talaga ako nakatulog dahil sa iniisip ko. Kinausap ko na ang ate ko na pumunta dito ngayong araw dahil may sasabihin akong importante. Kabado na talaga ako habang tumatakbo ang oras. Iniisip ko kung sasabihin ko ba talaga ang totoo o hindi. Pero bahala na talaga, nandito na ako kaya panindigan ko na ang plano ko. Hindi na muna ako bumangon dahil gusto kong makasiguro na naka alis na si Kane sa bahay nila. Lumipas ang isang oras at saktong 10AM na kaya bumangon na ako sa kama. Pumasok na muna ako ng banyo para maghilamos. Nakatitig lang ako sa salamin at pilit na pinapalakas ang loob ko. “Kaya mo ‘to, Hazel. Kakayanin dahil pinasok ko ang problemang ito kaya dapat ko lang kay

