Hazel’s Pov MAG ASAWANG sampal ang natanggap ko sa aking kapatid habang galit na galit siyang nakatitig sa ‘kin. Hindi ako sumasagot sa mga sinasabi niya dahil alam kong kasalanan ko. Maging si mama ay pinapagalitan ako sa ginawa ko. Si papa naman ay tahimik lang habang pinapakinggan kaming tatlo. Panay ang tulo ng luha ko sa aking mga mata at pumatak na ‘to sa mesa. “S-Sorry po. Sorry po talaga.” Saad ko habang naka yuko parin at sapo- sapo ang isa kong pisngi dahil sobrang sakit ng pagkaka sampal ni ate. “Gaga ka! Napaka gaga mo, Hazel. Nasaan ang utak mo ha?! Pamangkin mo si Kane. Pero anong ginawa mo?! Jinowa mo ang sarili mong pamangkin. Sobrang kati na ba yan ha?!” Galit na sigaw ng ate ko. Naitikom ko nalang ang bibig ko dahil ayaw kong sagutin ang mga sinabi ng kapatid ko.

