Chapter69

1029 Words

Hazel’s Pov NAKARATING ako sa harap ng malaking building ng Laursen at halos malula ako dahil ang taas. Hindi ko talaga sure kung nandito ba ang anak ko. Iniisip ko kasi na bakit dito pa dadalhin ni Kane ang anak ko eh empleyado lang naman siya dito. Dahil ba sa alam niyang hindi ako makakapasok agad, kaya niya siguro ito ginagawa. Pektusan ko kaya siya. Humanda talaga siya sa ‘kin kapag nakita ko siya. Sapak at sakal ang makukuha niya sa ‘kin. Naghanap lang ako mapa-parkingan ng kotse ko. Alangan naman kasing iharang ko lang sa harap ng building eh di na tow ang sasakyan ko. Natagalan pa ako maghanap dahil hindi ko naman alam ang pasikot-sikot dito. Hindi naman katulad ito sa parking lot ng kompanya namin. Halata talagang mayaman ang kompanyang ito dahil kakaiba ang parking lot nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD