Hazel’s Pov NAGLALAKAD ako sa malawak na floor kung saan ako hinatid ng babae kanina. Panay ang linga ko sa paligid dahil sobrang tahimik ng floor. Mamaya may halimaw pala dito na biglang lumabas eh ‘di nalapa ako ng wala sa oras. Habang naglalakad ako ay nakarating ako sa isang malaking pinto na kakaiba ang design. Kulay gold kasi ang pinto at may may design na mga horse. Ngayon lang ako nakakita ng kulay gold na pinto, hindi ko din sure kung ginto ba talaga yun o ka kulay lang talaga. Pero sabi ng babae kanina na naghatid sa ‘kin ay isa lang daw ang office sa floor na ‘to. At yun ay sa CEO lang daw. Kaya nagtataka ako kung nasa’n si Kane. Na scam pa yata ako ng batang yun. Wala naman siya dito eh. Tumayo ako sa harap ng pinto na kulay gold at tinitigan lang yun. Naguguluhan na talaga

