Hazel’s Pov NAKATULALA ako habang nakatitig sa kisame at iniisip parin ang nakita ko kanina sa parking lot. Sa sobrang pag iisip ko ay hindi na ako nakakain ng hapuna. Para talaga akong baliw. Mababaliw na yata ako kakaisip kung girlfriend ba yun ni Kane ang kasama niya. Pero naisip ko nga pala na wala na nga pala akong karapatan para mag selos o mangialam sa buhay niya dahil hindi naman kami ni Kane. Matagal ko ng pinutol ang ugnayan namin dalawa kaya dapat wala na akong maramdaman na ganito. Pero kahit anong pilit ko ay pumapasok talaga sa isip ko ang imahe nilang dalawa. Inalalayan pa talaga ni Kane ang babae kaya hindi talaga malabong girlfriend niya yun. Napasubunot nalang talaga ako sa buhok ko dahil mababaliw na yata ako kakaisip. Tangina! Goodluck nalang talaga sa ‘kin bukas

