Hazel’s Pov NANDITO ako ngayon sa opisina at tambak ang trabaho ko ngayon. Gusto ko nalang maging halaman talaga. Araw-araw pa may dilig. Kaysa dito, kakapasok ko pa lang, haggard na agad ang itsura ko. Kainis din ang boss ko kasi, tinambakan ako ng trabaho. Ang sarap tuloy tanggalin ng fake kilay niya. Hindi na naawa sa beauty ko. Lumipas ang mga oras ay dumating din ang lunch time. Parang ayaw ko na nga kumain dahil sa dami kong gagawin. Kasalanan talaga ‘to ng boss ko kapag nangisay ako sa gutom. Ngunit hindi ko na talaga kinaya ang gutom ko kaya tumayo na din ako sa swivel chair ko at kinuha ang bag ko. Lumabas ako ng opisina at agad na tinungo ang elevator. Pumasok ako sa elevator at may mga kasabay akong mga empleyado din. Ngumiti lang ako sakanila at hindi na pinindot ang fir

