Hazel’s Pov SEVEN YEARS ang nakalipas ay masaya akong napalaki ko ng maayos ang anak ko. Kahit mag-isa ako at ang tumulong sa ‘kin ay hindi ko pa mga kadugo ay nairaos ko ang pagpapalaki ko sa anak ko. Hindi ko ‘to magagawa kung hindi dahil din kay ate Maya na sobrang bait at hindi nagsasawa na alagaan ang anak kong si Kate. Para narin niyang tinuring na anak si Kate kaya masaya ako. Lumipat na din kami ng tinitirahan. Sobrang tipid ko dati para lang makabili ako ng sarili naming bahay. Kapitbahay ko ang dalawang kumare ko na si Rica at ang isa ko pang kaibigan sa bagong kompanya na pinasukan ko na si Amelia. May anak din siya na lalaki ngunit mas matanda ang anak niya sa anak ko ng anim na taon ang pagitan nila ni Kate. Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Hindi katulad dati na kapa

