Hazel’s Pov MAAGA AKO nagising upang ayusin ang mga gamit ko dahil mag swi-swimming kami. Excited akong kawawain si Naomi kaya humanda siya sa ‘kin mamaya. Kinuha ko sa cabinet ang swimsuit ko na binili ko sa Manila. Bumili talaga ako dahil balak ko talagang mag swimming sa bakasyon ko. Hindi ko naman alam na gagamitin ko pala ‘to para mang lampaso ng babae na umaaligid kay Kane. Hindi ako nagpapaganda para sa lalaki, nagpapaganda ako para mapapatingin sa ‘kin ang ibang babae. Yan talaga ginagawa ko sa Manila. Hindi ako nagpapa impress sa mga lalaki para ibigin. Kaya din siguro wala akong jowa dahil hindi talaga ako naka focus sa bagay na yun. Naka focus kasi ako sa pang iirita ng mga babaeng may halong inggit din sa ‘kin. Lalo na yung nasa ibang department na nag tra-trabaho. Nakaka in

