Hazel’s Pov NAKARATING KAMI sa sinasabi nilang dagat na napili ni ate. Hindi masyadong maganda pero ayos na din. Nakita ko ang kotse ni Kane na nasa unahan naka park. Bumukas ang pintuan ng driver seat at lumabas ang pelingera na maganda. May pa ayos-ayos pa siya sa sunglas niya saka niya isinara ang pinto ng kotse. Napairap nalang ako sa hangin saka ko binuksan ang pintuan ng kotse. Bumaba agad ako at habang hindi inaalis ang tingin ko sa kotse ni Kane. Nakita kong bumaba si Kane ngunit hindi man lang siya tumingin sa ‘kin at deri-deritsong naglakad papunta sa cottage. Napabuga nalang talaga ako ng hangin saka ko hinintay na bumaba ang mga pinsan ko para tulungan sila na magbuhat sa mga baon namin. Dumating din sila mama papa na agad iginilid ang tricycle din sa likod ng kotse nila a

