Hazel’s Pov LUMABAS kami ni Kane sa banyo at halos nagulat kami ng makita namin ang pinsan kong ni Monic. Halos magka buhol-buhol ang pag hinga ko sa kaba na nararamdaman ko. Kitang-kita ko kasi ang gulat sa mga mukha ng pinsan ko ng makita niya kami. Mabuti nalang at mabilis akong naka isip ng palusot at sinabi kong may nakita akong ahas sa loob ng banyo. Sinabi ko din na mabuti nalang at nakita ko si Kane kaya naka hingi ako ng tulong. Hindi ko alam kung naniniwala ba sa ‘kin ang pinsan ko pero bahala na dahil yun na ang lumabas sa bibig ko. Nauna pa talaga akong bumalik sa cottage at naka suot ng tshirt ko dahil ayaw ni Kane na naka swimsuit ako. Pumayag nalang ako para wala ng gulo. Sinadya ko din na hindi kami magsabay pumunta ng cottage para hindi magtaka ang pinsan kong si Moni

